What's new

Student Permit -> Non Professional Driver's License

Gawr Gura

꧁☬ ᴘᴇᴛᴛᴀɴ ☬꧂
Elite
Joined
Jan 4, 2016
Posts
23,605
Solutions
18
Reaction
7,942
Points
5,143
Share ko lang mga na-experience ko since kakakuha ko lang ngayon ng lisensya ko. Napasama nga pala ako sa bagong implementasyon ni LTO sa pagkuha ng lisensya. Kabilang na dito ang mga kumuha ng Student Permit simula noong August 3, 2020 onwards.

Bago kayo mag punta sa LTO Licensing Center, siguraduhin nyo munang kompleto lahat ng mga documents nyo. Ano nga ba ang mga documents na kailangan? Heto ang listahan.

a. Practical Driving Certificate (8hrs) - para sa akin ito talaga yung crucial part ngayon sa pagkuha ng lisensya lalo na sa Non-Pro. Kasi kung ano lang ang meron kang Practical Driving Certificate na galing sa driving school na iyong pinasukan, yun lang din lamang pwede mong imaneho. Kapag "manual tranmission" ang nakalagay sa iyong PDC, pwede mong imaneho ang lahat ng motor. Ngunit kung "automatic tranmission" ang nakalagay sa iyong PDC, automatic lang pwede, hindi pwede ang manual. Kaya dito pa lang isipin mo na kung ano yung talagang gusto mong transmission kasi kung balak mong mag manual transmission at mayroon ka ng existing na PDC(automatic), kailangan mo pa ulit mag enroll sa driving school para makakuha ng PDC(manual). Applicable lahat yan mapa motorcycle man o sedan.

b. Medical Certificate - kung dalawa ang kopya na ibinigay sa inyo noong kumuha kayo ng Student Permit, pwede mo pa rin itong magamit dahil 2 months naman ang validity nito. Pero most of the time, isa lang lagi binibigay nyang mga clinic na yan.

c. Valid Student Permit na may 31 days na ang itinagal pamula nung kumuha ka nito.

d. Application Form, dun mo na ito kukunin sa kanila.


Kapag kumpleto mo na lahat ng requirements ni LTO pwede ka na pumunta sa kanila provided na handa ka na din sa online examination nila, Oo online type na ang examination nila. May kamera na nakatutok sa mukha mo habang nage-exam ka sa tapat ng kompyuter. Ang mga review materials ay makikita lang din sa website nila at dun sa lto portal nila. Kinakailangan din na gumawa ka ng account dun sa lto portal nila.

Duon ako kumuha ng lisensya sa LTO Quezon City Licensing Center, pwede ka magpa schedule ng araw na gusto mong pumunta at oras. Ang link ng schedule nila ay makikita mismo sa facebook page nila.

Pagbaba na pagbaba mo pa lang sa tapat mismo ng LTO, bubulaga agad sayo ang bilang ng mga mag-aalok ng kanilang "sebisyo" as in sobrang dami talaga nila at parang naka program na din sa kanila na kapag may bumaba dun mismo sa tapat ng LTO matik kukuha ng lisensya yan. Wag na wag mo silang kakausapin o papansinin man lang kasi hindi ka tatantanan ng mga yan. Sa halip dumiretso ka agad sa guard at ipakita mo ang schedule na sinend sayo sa iyong email.

Procedures:
  • Ipapakita mo lahat ng requirements mo sa tent sa labas, i-che-check nya ito kung kumpleto ang bibigyan ka ng New Driver's License Application Form. Sagutan mo lang ito at hindi na sabihin ng guard ang oras ng schedule para makapasok sa loob.
  • Pipila ka ngayon sa Window 1, para sa verification ng dokumento. Kapag okay lahat, magbabayad ka ng 100php para sa exam.
  • Kapag nakabayad ka na sa Window 7, papupuntahin ka sa Window 3 para sa picture taking at finger print verification. Dito sa Window na to pwede mo din sabihin sa kanya kung gusto mong palitan yung picture mo.
  • After makuha yung mga finger prints, papupuntahin ka na sa Exam Room A. Dito na yung sinasabi ko na Online Examination nila.
  • Kapag pumasa ka sa Online Examination, mag fill up ka dun sa listahan ng pumasa. Tapos sasabihin nila sayo na good ka na for "Test Drive".
  • Pagdating sa "Test Drive", ipapakita mo yung mga papeles mo sa kanila tapos magbabayad ka sa kanila ng 150php, para ito sa motorsiklo. Tandaan kung ano yung nakalagay na tranmission sa PDC mo, yun din ang sasabihin mo sa kanila.
  • Kapag pumasa ka na sa "Test Drive", pababalikin ka ulit nila kung saan ka nag exam. Sasabihin mo lang na pumasa ka tapos balik ka ulit sa Window 3.
  • Kapag na verify na sa Window 3 mga papeles mo, mag scan ka ulit dito ng iyong finger prints. Tapos magbabayad ka sa Window 7.
  • Kapag nabayaran mo na sa Window 7 ang halagang 585php para sa Non-Pro License, babalik ka ulit sa Window 3 at hintayin mo lang na ma-print ang iyong lisensya.
  • Final step is mag fill up ng iyong detalye sa Window 9 at pwede ka na makauwi.

Note: Kapag bumagsak ka sa Online Examination nila, maaaring pabalikin ka nila sa ibang araw. Kaya mag review ka ng mag review. Same as goes for practical driving test nila, maaring pabalikin ka nila or hindi. Kung kukuha lang ng lisensya para maging valid ID, medyo makati to sa bulsa. 😂
 
Matrabaho talaga since may dumagdag na mga requirements si LTO. Siguro mag fill up lang din sa kanila. 😅
 
Oo kasi dati pwede ka rumekta papunta ng Professional License basta yung Student Permit mo naka 6months na. Ngayon hindi na pwede, kailangan talaga dumaan muna sa Non-Pro tapos 1year ka muna dyan bago mag Pro.
 
[XX='Kim Da-hyun, c: 710777, m: 443155'][/XX] oo yun ginawa ko eh.pag ka tungtong ko college professional drivers license na kinuha ko..pero wla parin kung kukuha drivers license sa ibang bansa driving school parin..di tulad yung sa iba na kunting sessions nalang kailangan
 
Sayang nga yung sakin 123 pa naman ristrection code nun diko na narenew gawa ng trabaho tapos hanggang sa nahulog yung pitaka ko kasama ng lisenya ang siste ngayon 12k na gagastusin mo pag kumuha ka ulit ng panibagong lisensya at sa non-pro pa lang ata yung presyo na yan kung di ako nagkakamali 🤦‍♂️
 
Yep, dumagdag kasi yang mga certification na galing mismo sa driving school tsaka yung "IT System" nila LTO.
 
15 hours Theoretical Driving Course - 2,250
8 hours Practical Driving Course (Motorcycle) - 2,400

Lahat ng mga fees na yan ay dipende pa sa driving school na papasukan mo. Pero syempre kung balak mo din mag drive ng 4wheels, mas mahal pa yung magagastos mo. 😂
 

Similar threads

Back
Top