What's new

That thing called tadhana nga ba?

Yimpskie

Too many responsibilities
Joined
Jan 28, 2019
Posts
17,815
Solutions
7
Reaction
39,843
Points
7,579

It's been a while everyone, May isa lang po akong katanongan sainyo sa pinagbibidahan nina briantmallows20 at k4m0t3QT Charoot hahaha

Marami sa atin ang mga naniniwala sa tadhana. Umaasang matatagpuan ang tadhana nila sa buhay. At hanggang sa ngayon naghihintay ng nakatadhana para sa kanila. Ano nga ba ang Tadhana? Siguro maide-describe natin ang salitang tadhana sa katagang halos lagi nating naririnig sa mga broken hearted. “Kung para talaga kayo sa isa’t isa, kayo talaga”. Madalas palusot ng mga nang-iwan. Pinanghahawakan ng mga umaasa. Kadalasang advice na makukuha natin sa mga kaibigan. Na halos palagi nating naririnig tuwing usapang lovelife.

Paano mo ba masasabing destiny? Kapag ba ang unang pagkikita ninyo nasundan pa ng isa pang pagkakataon eh matatawag mo bang tadhana? Yung naghiwalay kayo pero nagkabalikan pagkatapos ng maraming taon? Pwedeng naka-survive kayo ng halos pitong taon pero sa bandang huli maghihiwalay din kayo at sasabihin mong tadhana ang nagdikta sa inyo. Pwede rin namang hindi ka pa nagkakaroon ng karelasyon, o hindi mo pa naranasang mahalin dahil hindi pa dumarating yung nakatadhana sayo. Pwede rin namang nanloko ka, tapos isisisi mo sa tadhana para pagtakpan ang lahat ng pagkakamali mo.

Ito para sa akin lang po ito, pwede po kayo mag comment kung ano yung magiging opinion ninyo patungkol sa tadhana,

Yung sinasabi nila na kung kayo, kayo talaga? Kung kayo, babalik sya sayo. Taena! Nakakagagu yun eh! Ano yun? Iaasa ko na lang sa hangin? Sa tadhana? Sa isang bagay na hindi ko nakikita yung future ko?
Wala naman atang ganun eh

Para kang naghagis ng papel na eroplano sa hangin tapos hihintayin mong bumalik ng kusa sayo? Para kang abnormal nun, Chase you dreams nga kumbaga. Lahat ng bagay, kung gusto nating makamit dapat paghirapan diba???

Mapa-career, business, pagaaral o sa pag-ibig man yan, dapat pinagbubuhusan ng panahon at effort. Hindi naman yata yan parang lotto lang na iaasa na lang sa kapalaran ni Aling Marites.

Kayo naniniwala ba kayo kay Aling Marites este sa tadhana?
 
Sa iba kasi pag sinabi nilang tadhana parang ang sinasabi nila is ung situation na pasok sa ideal or gusto nilang mangyari. For me kasi yang tadhana is result ng mga choices mo yan sa buhay..kung may pinili kang mahalin at naging asawa mo un..tadhana un diba?pero kung di mo pinakasalan..tadhana din un.hahaha magulo masyado basta ikaw gumagawa ng choices at magiging outcome ng buhay mo.
 
for me naniniwala .. kasi ung wife ko nag kakillala kmi way back 2005 tpos naputol dn communication namin weeks after namin magkakillala. tpos way back 2007 o 2008 ata we reunited and until now magkasama padin kami happily married.
 
that was your choice back then sir. if pinili mo or pinili nyang di makipagbalikan magiging tadhana kaya un hehe..meron din akong ex nagkita kami ulit nagkausap..pero di ko nilandi di kami nagkabalikan..walang tadhanang nangyari hehehe
 
Sa iba kasi pag sinabi nilang tadhana parang ang sinasabi nila is ung situation na pasok sa ideal or gusto nilang mangyari. For me kasi yang tadhana is result ng mga choices mo yan sa buhay..kung may pinili kang mahalin at naging asawa mo un..tadhana un diba?pero kung di mo pinakasalan..tadhana din un.hahaha magulo masyado basta ikaw gumagawa ng choices at magiging outcome ng buhay mo.
Ang gulo nga hahaha
 
for me naniniwala .. kasi ung wife ko nag kakillala kmi way back 2005 tpos naputol dn communication namin weeks after namin magkakillala. tpos way back 2007 o 2008 ata we reunited and until now magkasama padin kami happily married.
Sa nakikita ko paps mukhang pinili nyong dalawa yung kapalaran na gusto nyong makamit sa buhay kung baga nag match yung desisyon nyo sa buhay na magkasama, Mas pinili nyong dalawa ang gusto ninyo na mag kasama, Sa tingin ko

ung tadhana kasi sakin is result ng mga choices mo sa buhay kaya di ako naniniwala sa ganyan hehe
Yes same tayo paps, mag kasundo tayo hahaha
 
Sa nakikita ko paps mukhang pinili nyong dalawa yung kapalaran na gusto nyong makamit sa buhay kung baga nag match yung desisyon nyo sa buhay na magkasama, Mas pinili nyong dalawa ang gusto ninyo na mag kasama, Sa tingin ko lang

Yes same tayo paps, mag kasundo tayo hahaha
haha yun nga eh parang sa ex ko yan dati nagkita kami naglandian pero di nagbalikan.so choice lang un hahaha..
 
sbagay may punto kayo. kasi ung 2nd time nagkita kmi after so many years. eh naging choice na namin ituloy un kung ano man yung naudlot noon unang pagkikita.
 
tingin ko di kaya ang tadhana ay base din sa nagiging desisyon ng bawat tao sa buhay nila?
outcome tawag doon hindi tadhana,
resulta ng desisyon mo sa buhay, action & choices, there's no such thing as "tadhana" sa gma ko lang napapanood yan ih, tapos yung host pa doon yung itinadhana sana sakin kaso inagaw naman ng iba dejuk lang 😂
 
tingin ko di kaya ang tadhana ay base din sa nagiging desisyon ng bawat tao sa buhay nila?
may sarili tayong freewill, Si Hesus nga gusto nya tayo mapasa kanya at ang daming bawal na ipinagbabawal na hindi dapat sundin, Pero tayo nag dedesisyon kung anong gusto nating gawin.

So, meaning lang noon may kakayahan tayong mag desisyon sa sarili sa buhay kung susunod tayo sa kanya o hindi 😀
 
Similar threads

Back
Top