What's new

Tutorial Tips para Makamove on sa Ghosting

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,949
Solutions
6
Reaction
66,393
Points
16,629
" Ghosting" ito ang biglaang paglisan sa buhay ng isang tao nang walang paliwanag — ay isa sa mga pinakamasakit na maaari mong maranasan kapag nanliligaw o nililigawan ka.

Okay naman kayo sa umpisa. Araw-araw kayong naguusap at unti-unti ka nang “nahuhulog” sa tao. Isang araw, bigla na lang silang tumigil magreply at hindi na nagparamdam sa iyo. Iniisip mo na kung ano bang nangyari at kung may nasabi ka bang mali.
Madalas kasi itong nakakasira talaga sa kumpiyansa sa sarili at nakakaapekto sa mga susunod na mga relasyon
Oo,Mahirap bumangon mula sa pagkawala, kahit na hindi mo pa lubos na nakilala ‘yung tao. Hindi madali at hindi mabilis ang pag-move on, pero makakatulong ito sa iyo na maging bukas sa iba pang posibilidad at oportunidad.

Kaya narito ang ilan sa mga tips at advices upang makarecover sa pang goghost ng nakaraan.


📌Tanggapin ang sakit

Huwag mong tanggihan ang sakit na iyong nadarama. Okay lang na sumama ang loob. Huwag mong itatago ang iyong mga emosyon. Kailangan mong damdamin para gumaling.Iiyak at ibuhos mo lang ang nararamdaman.Mas maigi mag open uo sa iyong pinagkakatiwalaang mga kaibigan upang maibsan ang sakit at bigat na naramramdaman.Hangga’t sa maaari, iwasang gumamit ng mga bagay para mamanhid ang sakit tulad ng droga, alak, at ibang bisyo.


📌Unawain na tungkol ito sa kanila, hindi sa iyo

Madaling isipin na may nagawa kang mali kaya ka na-ghost. Wala nang halaga ang mga naiwang tanong at naiisip mong sagot.Iniwan ka ng tao nang walang paliwanag o paalam. Huwag mong sisisihin ang sarili o isipin na hindi ka karapat-dapat mahali at alagaan. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang rason kung bakit nagawa nila ang isang bagay. Baka may sarili silang problema kaya bigla silang lumisan.

📌Lalong mahalin ang sarili

Mahalin lalo ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na kinatutuwaan mo. Make time for yourself and fovus more on self care.Sa katotohanan, kahit ang pagkain nang mabuti, pagtulog nang maayos, at paggawa ng mga pisikal na aktibidad at makakatulong na makabawas sa sakit na iyong nadarama.You may also try to change a bit sa looks mo,pamper yourself and iwasang magmukhang kawawa sa paningin nila.May kasabihan ngang sa bawat pagmomove on mas gumaganda ang hitsura.


📌Subukang mag-yoga at nilay-nilay para makabawas sa stress at sakit, o aliwin ang sarili sa pamamagitan ng mga bagay na nagpapasaya sa iyo, gaya ng iyong mga hilig gawin.


📌Bitawan mo na

Huwag kang magbabalak na magtext para humingi pa ng closure.Lalo kang mahihirapan mag-move on kung hinahangand mong mag-reply pa siya. Baka lalo pang mawasak puso mo kapag nakita mong wala talagang text na pumasok.

Kung ano man ang nangyari, gagaan ang iyong loob kapag nag-move on ka. Mag-move on ka kung kailang ka handa, at hindi kung kailan ka pinipilit ng mga tao. Mag-move on sa sarili mong bilis, at gawin ang anumang palagay mong makakabuti sa iyo.


P.S
Normal lang na matakot magmahal o mahulog uli pagkatapos ma-ghost. Sa araw na nakamit mo na ang kaligayahan — sa relasyon man o sa pinagkakaabalahan mo — ang nang-ghost sa iyo ay alikabok na lang sa iyong alaala.







excerpt from psychologytoday/Doitright
 
Ayaw ko to gawin sa kausap ko kaso nahuhulog na eh nababaliw na kasi di ko na rereplayan. Tulong pano to 🥲
Basic, ito solution diyan.

1646640432050.png
 

Attachments

Oyyy ganito nangyari saken😭, yung friend ko from ome na ilang days ko na nakakachat(from 9pm-4am) bigla nlng dinelete/nadelete yung chat namin sa TG di ko pa nmn nasave username niya🥲, wala namn kami naging away🥲 Kaya naghanap ako mga ways paano ma retrieve yung username niya sa TG(gumawa pako thread dito about jan(my last thread))😭😭
 
Oyyy ganito nangyari saken😭, yung friend ko from ome na ilang days ko na nakakachat(from 9pm-4am) bigla nlng dinelete/nadelete yung chat namin sa TG di ko pa nmn nasave username niya🥲, wala namn kami naging away🥲 Kaya naghanap ako mga ways paano ma retrieve yung username niya sa TG(gumawa pako thread dito about jan(my last thread))😭😭
sorry to hear that po😌, hope you're doing fine na,though masakit talaga magganyan pero in some ways we don't have any option but to freely accept it.
 
sorry to hear that po😌, hope you're doing fine na,though masakit talaga magganyan pero in some ways we don't have any option but to freely accept it.
di nmn love nafefeel ko sa kanya(kasi 2yrs older sya atsaka ayaw niya sa mas bata sakanya), pero yung feeling na nakaclose mo ng ilang days & yung nakasama mo magpuyat bigla nalang mawawala😭😭...

parang yung movie na "Bridge to Terabithia"😅😅
 
di nmn love nafefeel ko sa kanya(kasi 2yrs older sya atsaka ayaw niya sa mas bata sakanya), pero yung feeling na nakaclose mo ng ilang days & yung nakasama mo magpuyat bigla nalang mawawala😭😭...

parang yung movie na "Bridge to Terabithia"😅😅
yes I know that movie 😊 fave ko yan,pero relate ako minsan sa ganyan kahit wala namang love talaga yung close lang kayo tas nagpupuyat mag usap hehe,nakakahurt din naman talaga kahit papaano kasi the connection is still there.
 
Di po ako naging multo wahahaha. Wala nauna kasing nagka gusto yung tropa ko sakanya, at naisip ko na wag nalang ituloy. Hays stop na hahaha
😆awss sorry naman po,so sa ganyang situation mas tama lang din naman po ginawa nyo na hayaan na,pero teka, gusto din ba nya tropa mo? o baka ikaw mas gusto niya,
 
Back
Top