What's new

Help Unpaid globe bills kakasuhan?

Yuuji-kun

Forum Veteran
Elite
orca-image-629420618.jpeg

Tagal ng putol acc na to, mga 1 year na. Medyo sketchy din email kasi kakasuhan daw kami.

Ps di namin napaterminate kasi lumipat kami agad sa PLDT, alam ko blacklist na acc sa globe pero kakasuhan ba kamj?
 

Attachments

I am talking about PLDT specifically in here but it applies to all ISPs that have lock-in periods/contracts.

"Ang lahat ng ISP plans, mapa-PLDT man yan o Globe o Converge, ay hindi gaya ng ibang utilities tulad ng kuryente at tubig na de-metro ang sukatan ng bill, na pag putol na eh wala na ring bill. Sa ISP plans na may lock-in period/contract, fixed ang billing mo, nagagamit mo man o hindi, nakapatay man ang modem o hindi, putol man o hindi, maganda man ang serbisyo o hindi. So kung plan 1699 ka for example, kahit ilang buwan mong patayin ang modem o kahit ilang buwan kang putol, tuloy-tuloy pa rin ang monthly bill mo at 1699 (plus 100 every month kung 'no cashout' promo kayo, meaning wala kayong binayaran nung nakabitan kayo) pa rin ang bill for every month. Magpapatong-patong nga lang yang mga bill mo. So 1699 (plus 100 every month kung 'no cashout' promo kayo, meaning wala kayong binayaran nung nakabitan kayo) multiplied by the months na hindi mo nabayaran.
At yang ganyang sistema ay magtutuloy-tuloy sa loob ng tatlong taon, dahil yan ang pinirmahan niyong kontrata, meaning nakatali ka sa ISP na yan sa loob ng tatlong taon.
At kung gusto mong kumawala sa kontrata, magrerequest ka ng termination of contract, which, of course, will require you to pay for the necessary fees as indicated in their Terms & Conditions.
Fortunately, pwede mo namang hindi bayaran yan. Sa madaling sabi, pwede mong "takbuhan" yang utang mo sa ISP plans, dahil wala namang batas (sa ngayon) na nagsasabi na pwedeng makulong ang mga may utang sa ISP plans. So walang "hit" yan sa NBI clearance mo. Malinis pa rin NBI record mo.
Ang tanging consequence lang diyan ay blacklisted na ang pangalan mo sa PLDT, meaning hindi ka na makaka-avail pa ng kahit anong plan o transaction sa kanila under your name. At may nagsasabi din na pati address is blacklisted na rin (unverified info). At may ilan ring nagsasabi na pati credit score/record mo sa mga bangko ay apektado, so may posibilidad na hindi ka na makaka-loan sa mga bangko at iba pang mga credit institutions (also an unverified info). Take note na sister-company ni Globe ang GCASH na isang financial/credit institution na registered sa BSP.
At pag lumobo na ng ganyan kalaki ang bills mo, usually pinapasa na ng mga ISP ang responsibilidad ng paniningil sa mga collection agency nila. Sila na yung mga tatawag, magtetext, mag-eemail at magpapadala ng sulat sa inyo. At ipinagkakatiwala na rin ng mga ISP ang credit records mo sa mga collection agency so bahala na ang ga collection agency kung kokontakin niya ang iba pang financial institutions about sa credit record na nakakabit na sa pangalan mo."
hi po ganyan din po ba sa globe po kasi nag padala din sila sa emeail ko
 

Similar threads

Back
Top