What's new

Vitamins pampataba ng pusa

AsphyXia--

Forum Guru
Elite
Joined
May 30, 2020
Posts
3,279
Reaction
3,280
Points
1,124
Anong vitamins ang pwede ipainom sa pusa para tumaba?
 
Try mo po pet's fuel ts. (Organic) liquid po sya na pinapainom sa pet.. or try mo muna din ipa-deworm sa vet, para mas effective po yung mga vitamins na iinumin nila. 😊
 
Last edited:
Kung gusto mong tumaba ang alaga mo - pusa man o iba pa, you need to follow a plan. It's not just food or vitamins. Kahit sa tao, ganyan din.
1. Alamin mo kung bakit siya ayaw tumaba - kailangan bang purgahin, o may sakit kung saan. Pa-check mo sa vet para sigurado. If not, nasa obserbasyon mo na lang yung final decision. Make sure your pet is not sick.
2. Hanap ka ng mga pagkain na may gana siyang kumain. Mas maganda kung marami mula wet and dry food. Umpisahan mong bigyan siya ng paunti-unting dami ng pagkain. Takamin mo hanggang masanay siyang kumain tuwing magbibigay ka sa scheduled batches later. Sanayin mo siyang tawagin para alam niya at iwanan habang kumakain. Pagkatapos ay pahingain at huwag istorbohin. Ang target ay yung "gana" niyang kumain or else maghanap ka ng pampaganang gamot. Dyan mo na isingit yung extra vitamins or special treats.
Nasa iyo na yung options sa taba na nais mo sa pusa mo. Check mo lang sa labels ng processed cat food yung contents ng nutrients na kinakain niya then do the math. Kung ikaw lang yung gagawa ng pagkain, estima mo na lang.
3. Ang importante rin ay masaya ang alaga mo, at nakakatulog ng sapat na normally should be 15 hrs or more. Importante ito. Bigyan mo sila ng tahimik na lugar para makatulog. Samantalahin mo na lang yung oras na gising siya para sa pet-bonding at iba pa para sa kanyang nais gawin.
 
Salamat dito boss
 
since cats love protein foods, pakain mo nang mga mga high protein foods like karne. raw chicken organs na mabibili sa market pwede na like raw heart or chicken liver. hindi sapat ang carb foods sa mga felines.

kung my pera ka, minced beef or wet commercial cat food.
 
Similar threads

Back
Top