What's new

Worth it din pala mag-subscribe sa Scribd

ledin

Forum Guru
Joined
Mar 26, 2020
Posts
3,371
Solutions
9
Reaction
4,605
Points
1,285
Kapag annual subscription pala pinili niyo halos parang naglalaro lang yata around 90 to 95 Pesos a month yung babayaran niyo. Presyuhang Viu lang. Mas mura pa. Hahaha.

Mas sulit na rin pala 'yon compared sa paisa-isang bili ng libro. Nasa magkano rin kasi ang isang libro. Hahaha. So kung reader naman talaga kayo at nasa Scribd naman mostly yung mga libro na gusto niyo tsaka afford niyo naman, mag-subscribe na lang kayo. Kapag bumibili ng books nasa 300 to 400 Pesos din isa. Although worth it naman kasi iyo na talaga yung copy, magastos eh kasi isa o dalawang beses lang naman babasahin kumpara sa annual subscription ng Scribd na nasa ₱1, 099.00 lang (pero ₱1, 134.36 binayaran namin dati through GCash haha tax siguro or something) tapos malawak pa pagpipilian. May books, documents, articles, audiobooks, magazines, perks, at iba pa.

Share ko lang naman. Baka naghahanap/nagdedesisyon kayo ng ireregalo para sa sarili niyo o sa loved one niyo na reader or student. HAHAHAHA
 
masmura kung scribd lite, magunsubscribe muna tapos piliin mo lng ung too expensive para lumabas ung options na yon, 65php lang per month.
Screenshot_20211230-111600~2.png

plus may 2months free pa
 
Attachments

masmura kung scribd lite, magunsubscribe muna tapos piliin mo lng ung too expensive para lumabas ung options na yon, 65php lang per month.
View attachment 1773106
plus may 2months free pa
May gan'yan na pala? Buti naman! Hahaha isa yan sa sinusuggest ko lagi sa feedback dati eh. Anong included sa Scribd Lite?

Btw, tingin ko sobrang sulit na 'yan for students if ever. Hahaha presyuhang GO50 na.
 
same lng naman po sa tingin ko
Oh. Sinearch ko. Limited selection daw pero pwedeng-pwede na talaga for students hahaha yung iba halos documents lang din naman talaga kailangan sa Scribd. Thanks. Buti nakita ko 'to. Try namin 'to kapag namahalan na sa 1k hahaha
 
Screenshot_20211230-114245~2.png

limited pero okay narin kasi tipid naman👌
 
Attachments

Swerte ng mga students ngayon. Noon nag-aaral kami sa public school eh walang books. Notes lang galing sa lecture ni teacher ang basis namin.
Totoo po 'yan. Sobrang swerte po. Halos lahat nasa Internet na. Depende na lang talaga sa estudyante kung anong priority at diskarte niya.
 
Swerte ng mga students noon, natutruan ng mabuti kac f2f, hindi masisira yung mata kac less usaged sa computer, focus lang sa skul works at walang nang gawain sa bahay and alot more. Hehe just saying.
 
Nakuha mo punto ko. Kami noon wala na nga libro tapos di pa uso noon ang internet. Nagpupunta pa kami sa city library para magresearch pero maski dun kulang ng resources.
Saka maski F2F eh hindi lahat maturuan mabuti ng teacher dahil sa sobrang dami ng students sa public school.
 
Agree ako sa paglabo ng mata.

Pagdating sa turo medyo disagree ako. Depende rin siguro kung anong year level at kung saan nag-aaral. Sa sitwasyon ko, mas nagtuturo profs ngayon compared no'ng F2F. Monitored kasi sila eh. Dati no'ng F2F kung hindi laging absent e nagpapatay lang yung iba ng oras. Sayang pasok. Siguro iba ang case sa ibang univs.

As for school works, disagree ulit ako. Depende talaga sa estudyante. Mas nakakapag-focus ako ngayon sa school works ko dahil walang distraction. Mas natutunan ko rin ang konsepto ng independent learning. Dati kalaban ko ang traffic. Puro late ako sa attendance tapos puro late submissions. Ngayon, hindi na ako late sa attendance. Mas marami na akong oras para gumawa ng activities. Sobrang aga ko na rin nakakapagpasa. Mas balanced ang oras ko para sa lahat ng tasks ko. Yung oras na nasasayang dati sa byahe nagugugol ko na sa pag-aaral ko ngayon. Hindi na rin ako procrastinator.

Higit sa lahat, bawas gastos sa part ng magulang ko. Walang baon. Walang pamasahe. Walang uniform. Walang gastos masyado sa libro at projects. Walang kung ano-anong unnecessary na bayarin. Internet at tuition fee lang pinakagastusin.

Mas nakakatulong na rin ako sa bahay kasi natatapos ko agad yung school activities/tasks ko. Narealize ko rin na bawas pa iisipin ng magulang ko kasi nakikita nilang safe ako. Hindi na ako ginagabi sa daan. Hindi na rin ako nagkakasakit sa pagod. Hahaha. Depende talaga siguro sa estudyante, kurso, pamumuhay, at sitwasyon.

Totoo po. Ngayon kapag gagawa ng research o thesis, mas maramin na rin resources sa Internet. Kung wala pang pandemic, may libraries. Dati siguro sobrang hirap talaga maghagilap ng resources. Mano-mano.

Pero sa kabilang banda, kawawa rin talaga ibang students sa online classes kagaya ng mga kumukuha ng Nursing, MedTech, HRM, at kung ano-ano pang kurso na may certain skills na required matutunan. Iba pa rin kapag sa F2F natutunan.
 
Last edited:

Dipendi nga po siguro lahat, kac for me, I'm graduating student, major in math po ko. Sobrang hirap online class and self learning. Nakabasi lang kami sa YøùTùbé dahil most teachers ayaw din magturo. Ewan ko ba. Public din kac ako. Natapos yung ibang subject na parang wala akong natutunan, hindi naman masyadong magastos sa case ko kac scholar ako at pinagpapa aral ko sarili and nagbubuget kong gastos ko. Mas nakakastress dito sa bahay daming gawain. Hindi mabuti sa mental health ko. Pero laban parin. Parang nag aaral nalang ako para makakuha ng degree hays. skl hehhe btw. its good to know ur doing great in ur studies.
 
'Yan talaga struggle ng iba. Yung iba walang gadgets o connection. Hirap din gawing silid-aralan ang bahay lalo na kung hindi talaga conducive for learning. Minsan mas marami pang distractions sa bahay o mga kapitbahay. Yung mga estudyante dati na mas nakakahinga sa eskwelahan wala nang choice ngayon kun'di tiisin ang toxic or abusive environment sa bahay.

Pareho tayong graduating. Psych naman program ko. Mas okay ang performance ko ngayon. Kahit noong F2F sanay talaga akong self-study kasi may profs talagang mapapa-hay nako ka na lang talaga. Pero totoong hirap din kaming i-conduct ibang experiments and tests online ngayon. Big adjustment talaga sa part ng profs at students. Minsan hindi ko na alam kung sure ba akong naintindihan ko eh. Yun lang talaga isa sa disadvantages ngayon. Kagaya sa program mo, hindi sapat ang basa at memorization lang eh. Hindi sapat ang YT. Hay. Laban pa rin tayo.
 
May mga klasm8 na nga akong nakahinto dahil sa kakulangan.... Okay naman grades naging consistent deans lister panga pero di naman masyado proud dun parang wala din ako alam. parang nakadepindi nalang ako sa online sources. Hirap talaga. Sana matapos nato.
 
Thanks sa info TS. Ask ko lng if ρáíd subscription kaya yong ibang book kaya may book version na yong audiobook niya?

Don kasi sa trial subscription ko, audiobook lang mayron, walang book version like nong "Guide in investing ni Robert Kiyosaki.

Sana ma-check mo TS if naka-ρáíd subscription ka. Salamat😅
 
Kung ano pong nasa trial sub bale gano'n din po ang nasa ρáíd sub. Napansin ko rin po 'yan. Minsan available yung audiobook format pero yung book format wala. No'ng chineck ko po yung "Rich Dad's Guide to Investing" na title wala po talaga yung book format. Audiobook lang talaga. :)
 
Ah baka wala talaga siya book format hehe. Salamat lods and Happy New Year 🎉
 
Similar threads

Back
Top