What's new

WRONG TIMING

Zydl

Eternal Poster
Established
Joined
Jul 5, 2017
Posts
347
Reaction
1,692
Points
380
1 month lang ang tinagal namin ng GF ko. 4 months na magkakilala. Sa 4 months na yun,naging komportable ako sa kanya. Kung ano ako sa mga barkada ko,ganun din sa kanya (may dark side kasi tayo na di natin pinapakita sa taong mahal natin diba? sa mga barkada lang natin,ganun lol) Sa pagsasama namin.masaya naman. Feel ko yung love nya para sa akin.. Pure love ganun. Ganun din ako sa kanya,na kahit masyado pa maaga binuhos ko lahat para sa kanya,handang ibigay para sa kanya. Pero may mga bagay talagang di pa natin kayang magdesisyon sa sarili natin. Siguro di pa yung time para unahin/piliin ang relasyon namin. Na may magulang pa tayong masasaktan kapag pinili ang sariling kagustuhan. Nakipag break sya sakin last Saturday. Masakit. Sobra. Walang nag cheat,walang third party. Kaya napakahirap bumitaw. Pero pumayag ako. Ayokong mas piliin nya ako kesa sa pamilya nya at relihiyon nya. Masyado pang maaga pa. Nirespeto ko ang desisyon nya. Ka workmate ko sya,di na sya nagpa renew ng kontrata nya, Umuwi sya sa kanila. Sya na ang lumayo para sa ikabubuti ng lahat. Dun ko nakita ang malaking pagkakamali ko. Na kaya kong isakripisyo ang relihiyon ko,na kaya kong talikuran ang pagiging isang anak sa mga magulang ko. Masakit at the same time,nagpapasalamat ako sa kanya. Dahil nakita ko ang kamalian ko. INC nga pala ako sya naman ay Jehovah's Witnesses.
 

Similar threads

Back
Top