What's new

You Must Love Yourself First

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423
Gaano man natin kagusto o kamahal ang isang tao o ang ibang tao, kung napapabayaan naman natin ang ating sarili sa ibang mga aspekto ng ating buhay, hindi rin maganda ang magiging resulta at epekto nito sa atin at sa iba. Huwag hayaang mas mangibabaw ang damdamin mo kaysa sa iniisip mo. Tulungan mo ang sarili mo sa mga problemang kinakaharap mo ngayon bago mo tulungan ang iba. Hindi naman ito pagiging makasarili o pagpopokus sa sarili. Pero, di'ba, kung tutulungan mo muna ang sarili mo, mas magiging matatag ka sa pagtulong din sa iba? Hindi ka madaraig ng negatibo mong mga kaisipan at mas magiging matatag pa nga. Totoo, malaking bagay ang nakakatulong tayo sa iba pero makabubuti kung tutulungan muna natin ang ating sarili bago ang iba.

Magandang araw mga ka-PHC!
 

Similar threads

Back
Top