What's new

Closed 3 tulong para makayanan ang mga problema

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,579
Reaction
7,230
Points
2,576
2018022_univ_lsr_xl.jpg
May mga problema na hindi maiiwasan o masosolusyunan sa ngayon. Halimbawa, kung namatayan ka ng mahal sa buhay o mayroon kang nagtatagal na sakit, baka walang ibang paraan kundi ang tiisin ito. Matutulungan ka ba ng Bibliya sa napakahirap na mga sitwasyong iyon?

NAGTATAGAL NA SAKIT
Sinabi ni Rose: “May namana akong sakit na labis na nagpapahirap sa akin. Nawalan ng halaga ang buhay ko.” Nababahala siya dahil kung minsan, hindi siya makapagpokus sa pag-aaral ng Bibliya at sa iba pang bagay na may kaugnayan sa pagsamba sa Diyos. Pero malaki ang naitulong sa kaniya ng pananalita ni Jesus sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Sa Diyos ay posible ang lahat ng mga bagay.” Natutuhan ni Rose na may iba pang paraan ng pag-aaral. Dahil sa kirot, may panahong halos hindi siya makapagbasa, kaya nakikinig siya sa mga rekording ng Bibliya at ng mga literatura sa Bibliya. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. “Kung wala ang mga iyon,” ang sabi niya, “hindi ko na alam kung paano ako mapapalapít sa Diyos.”

Dahil may mga bagay na hindi na nagagawa si Rose, nakadama siya ng lungkot. Nakatulong sa kaniya ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Kung ang pagiging handa ay naroroon muna, ito ay lalo nang kaayaaya ayon sa taglay ng isang tao, hindi ayon sa hindi taglay ng isang tao.” Napaalalahanan si Rose ng tekstong ito na natutuwa ang Diyos sa lahat ng nagagawa niya sa kabila ng kaniyang limitasyon.

PANGUNGULILA
Naalala ni Delphine, na binanggit kanina: “Pagkamatay ng 18-anyos kong anak, nakadama ako ng sobrang kirot at pakiramdam ko, hindi ko na kayang mabuhay pa. Hindi na babalik sa dati ang lahat.” Pero malaki ang naitulong sa kaniya ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Sinabi ng salmista sa Diyos: “Nang ang aking mga nakababalisang kaisipan ay dumami sa loob ko, ang iyong mga pang-aaliw ay nagsimulang humaplos sa aking kaluluwa.” Sinabi niya, “Nananalangin ako kay Jehova na tulungan niya akong malaman kung paano mababawasan ang kirot.”

Naging abala siya sa gawaing pagboboluntaryo. Inihalintulad niya ang kaniyang sarili sa isang krayola—na kahit putol na ay puwede pa ring gamitin. Gaya ng krayolang iyon, nakita niyang puwede pa rin siyang makatulong sa iba. Naalala niya: “Nakita kong kapag ginagamit ko ang mga prinsipyo sa Bibliya at ang mga tekstong nagbibigay ng pag-asa sa Bible study ko, iyon ang paraan ni Jehova para mabawasan ang kirot na nararamdaman ko.” Gumawa siya ng listahan ng mga karakter sa Bibliya na dumanas ng matinding pangungulila. “Lahat sila ay palaging nananalangin,” ang sabi niya. Natutuhan din niya na “makakayanan mo lang ang problema kung magbabasa ka ng Bibliya.”

May naitulong pa kay Delphine ang pag-aaral ng Bibliya—ang magpokus sa hinaharap, hindi sa nakaraan. Nakatulong din sa kaniya ang pag-asang nasa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.” Paano siya nakatitiyak na bubuhaying muli ni Jehova ang anak niya? Ang sagot ni Delphine: “Alam kong mabubuhay ang anak ko sa hinaharap. Nakaiskedyul na ang ‘date’ namin, na para bang nasa kalendaryo na iyon ng aking Ama. Kung gaano katotoong ipinanganak ko siya at minahal, ganoon din katotoo sa akin na magkakasama kaming muli sa sarili naming hardin.”

Makatutulong sa iyo ang Bibliya kahit sa napakahirap na mga sitwasyon

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi ba nakaaantig ng puso iyan? Pero paano sinasagot ng Diyos ang mga panalangin ng mga taong talagang humahanap ng kaniyang patnubay?

BINIBIGYAN NIYA TAYO NG LAKAS:

Kadalasan na, ang mga problema ay nakapanghihina sa pisikal, emosyonal, at espirituwal na paraan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero si Jehova ay “nagbibigay ng lakas sa pagod; at ang isa na walang dinamikong lakas ay pinasasagana niya sa lubos na kalakasan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Si apostol Pablo, na dumanas ng mahihirap na pagsubok, ay nagsabi: “Sa lahat ng bagay ay may lakas ako dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pinalakas si Pablo ng banal na espiritu ng Diyos. Puwede ka ring humingi sa Diyos ng kaniyang banal na espiritu.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

BINIBIGYAN NIYA TAYO NG KARUNUNGAN:

Paano kung kailangan mo ng tulong para maunawaan at isabuhay ang payo ng Bibliya? Isinulat ng alagad na si Santiago: “Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, patuloy siyang humingi sa Diyos, sapagkat siya ay saganang nagbibigay sa lahat at hindi nandurusta; at ibibigay ito sa kaniya.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung babasahin mo ang Bibliya at susundin ang mga turo nito, makapamumuhay ka ayon sa iyong panalangin. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Habang ginagawa mo ito, makikita mo mismo na mahusay ang mga payo ng Bibliya.

BINIBIGYAN NIYA TAYO NG KAPAYAPAAN:

Kahit dumaranas ka ng matinding kabalisahan, matutulungan ka ni Jehova na maging panatag. Sinasabi ng kaniyang Salita: “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat ay ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong mga puso at sa inyong mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bakit hindi mo hilingin kay Jehova na bigyan ka ng kapayapaan?

Pero paano kung ang problema mo ay hindi agad masolusyunan? Huwag mo agad isiping pinabayaan ka na ng Diyos. Kahit hindi mawala-wala ang problema mo, mabibigyan ka ng Diyos ng lakas ng loob para makayanan mo iyon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nangangako rin ang Bibliya na darating ang panahon na mawawala na ang mga problema magpakailanman!
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 489
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
Gentleman007

Online statistics

Members online
1,161
Guests online
4,137
Total visitors
5,298
Back
Top