What's new

Closed Alexander the great

Status
Not open for further replies.

lunatic

Army of the Galaxy 👨‍💼👽👌
Joined
Feb 14, 2017
Posts
10,326
Reaction
4,748
Points
2,734
Alexander the Great: The Last 3 Wishes

Disclaimer: Ang artikulong ito ay nakalathala sa parehong wikang english at tagalog, upang maiwasan ang mis-interpritasyon sa mga sumusunod na tala. Again, the following are base on the reasearch I conducted.

We all know that Alexander the Great was an ancient Macedonian ruler and one of history’s greatest military minds, na kinikilalang nagtaglay ng pinakamalaking imperyo sa buong kasaysayan ng mundo.
Bilang isang military commander, wala pang laban ang hindi naipanalo ni Alexander. Lahat kasi ng laban nito ay nabibilang na matagumpay ayon sa tala ng ating kasaysayan.

One time, while on his way home from conquering many countries, he came down with an illness. Sa pagkakataong ito, wala ng naging pakinabang pa ang lahat niyang mga pag-aari. Mga nasakop na mga teritoryo, malalakas niyang mga alagad, maging ng mga matatalim nitong tabak, lahat ng yaman niya ng mga pagkakataong yaon ay nawalan ng kabuluhan sa kaniya. At doon ngay napagtanto ni Alexander na anumang oras ay mamamatay na siya at hindi na muli pang makababalik sa kaniyang homeland.
So, the mighty conqueror lay prostrate and pale, helplessly waiting to breathe his last.

Tinawag niya ang kaniyang mga alagad at sinabihang, "I will soon leave this world. I have three Final wishes. You need to carry out what I tell you". His generals, in tear, agreed.

"My First wish is to have my physicians bring my coffin alone" matapos ang maikling sandali, ipinagpatuloy nito ang kaniyang sinasabi.

"My second wish is scatter the gold, silver and gems from my treasure house along the path to the tomb when you ship my coffin to the grave" sandali siyang tumigil bago niya dinugtungan ang kaniyang mga pahayag.

"My last wish is to put my hands outside the coffin". Nagugulugan man, walang naglakas loob na tanungin kung bakit ito ang mga naging kahilingan ng Hari.

Kaya naman bilang mga pinagkakatiwalaang heneral ni Alexander, naglakas loob silang humalik sa kamay ng hari at nagbigay galang.
Nangako ang mga heneral sa hari na susundin nilang lahat ng kahilingan nito, ngunit pagtataka pa rin kung bakit ganito ang gustong paraan ng hari na gawin nila.
Sa ilang sandali lamang, sinagot ni Alexander ang mga katanungan ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

Sa mga pahayag ni Alexander. Nais ipabatid ng Hari sa mga huling kahilingan nito, na matutunan rin ng lahat ng tao ang mga aral na kaniyang natutunan.

Una ay kung bakit nais niya na ang mga magagaling na Doctor ang siyang magdala ng kaniyang libingan. Dahil gusto niyang ipaalam sa lahat na sa bingit ng kamatayan, kahit na ang mga pinaka-magagaling na manggagamot sa mundo ay wala makapag-papapagaling sa kaniya. Kumbaga lahat sila ay powerless, at walang kakayahang makapag-ligtas ng buhay ng taong nasa bingit na ng kamatayan.

Sa Pangalawang kahilingan naman nito ay upang ipakita sa mga tao na h'wag siyang tularan na maging gahaman sa kayamanan. Inilaan niya ang kaniyang buong buhay makapag likom lang ng yaman at kapangyarihan. Ngunit sa libingan pala ay hindi niya ito madadala. Nais niyang ipaalam sa lahat na h'wag sayangin ang oras sa paghahanap lamag ng kayamanan.

Sa Huling kahilinagan naman nito, panatilihing nakalabas ang mga kamay nito sa kaniyang kabaong. Gusto niya kasing ipakita sa lahat na, dumating siya sa mundong ito na wala siyang pag-aari ni isa man, at lilisan sa mundong ito na walang kahit na ano na madadala ng kaniyang mga kamay.

Matapos niyang sambitin ang mga pahayag na ito, ay unti-unti niyang isinara ang kaniyang mga mata. He let death conquer him…. and breath his Last.

According to a Babylonian astronomical diary, Alexander died between the evening of June 10 and the evening of June 11, 323 BC, at the age of thirty two. This happened in the palace of Nebuchadnezzar II in Babylon.

…..TIME is our most precious treasure because it is LIMITED. Maaari tayong makapag-pundar ng maraming yaman, ngunit hindi tayo maaaring makapag-produce ng higit pang oras. Our time is our life ika nga.

Lagi nating isa-isip na, What you do for yourself, dies with you. But what you do for others will live for ever.

A/N: Maaaring pamilya na tayo sa usapin ukol rito. May nabasa kasi ako tungkol kay Alexander. Nang dahil sa curiosity, nag-research ako. At ito nga, nagawan ko ng artikulo. Hope you guys like it. Ciao!

"Reveal what the Fact is"

Astéri DEEPWEBPH😊

Source: https://sites.google(.)com/site/positivethinkingclub/the-three-last-wishes-of-alexander-the-great

https://www.google(.)com/amp/s/tvaraj.com/2012/08/05/last-three-wishes-of-alexander-the-great/amp/

Paki tanggal yung ()
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top