- Joined
- Sep 19, 2016
- Posts
- 3,579
- Reaction
- 7,229
- Points
- 2,575
Kapag gusto mong makilala ang isang tao, malamang na ang una mong itatanong sa kaniya ay, “Ano ang pangalan mo?” Kung itatanong mo iyan sa Diyos, ano kaya ang isasagot niya?
“Ako ay si Jehova. Iyan ang pangalan ko.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ngayon mo lang ba narinig ang pangalang iyan? Siguro, dahil bihirang gamitin ng mga tagapagsalin ng Bibliya ang pangalan ng Diyos, o hindi pa nga. Madalas nila itong palitan ng titulong “PANGINOON.” Pero ang totoo, mahigit 7,000 ulit lumilitaw ang pangalan ng Diyos sa orihinal na mga wika ng Bibliya. Ang pangalan ng Diyos ay binubuo ng apat na Hebreong katinig, na katumbas ng YHWH o JHVH, at isinasaling “Jehova” sa Tagalog.
Lumilitaw ang pangalan ng Diyos sa orihinal na Hebreo at sa maraming salin
Dead Sea Psalms Scroll Unang siglo C.E., HEBREO
Salin ni Tyndale 1530, INGLES
Bersiyong Reina-Valera 1602, SPANISH
Union Version 1919, CHINESE
KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PANGALAN NG DIYOS
Mahalaga ito sa Diyos mismo. Walang nagbigay sa Diyos ng pangalan; siya mismo ang pumili nito. Sinabi ni Jehova: “Ito ang aking pangalan hanggang sa panahong walang takda, at ito ang pinakaalaala sa akin sa sali’t salinlahi.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa Bibliya, mas maraming ulit na lumilitaw ang pangalan ng Diyos kaysa sa mga titulo niyang gaya ng Makapangyarihan-sa-lahat, Ama, Panginoon, o Diyos. Mas madalas din itong lumitaw kaysa sa iba pang personal na pangalan, gaya ng Abraham, Moises, David, o Jesus. Isa pa, kalooban ni Jehova na makilala ang pangalan niya. Sinasabi ng Bibliya: “Upang malaman ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Mahalaga ito kay Jesus. Sa panalanging tinatawag na Ama Namin o Panalangin ng Panginoon, tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na idalangin sa Diyos: “Pakabanalin nawa ang iyong pangalan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Si Jesus mismo ay nanalangin sa Diyos: “Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pangunahin sa buhay ni Jesus ang pagluwalhati sa pangalan ng Diyos, kaya sinabi niya sa panalangin: “Ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan at ipakikilala ito.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Mahalaga ito sa mga nakakakilala sa Diyos. Naunawaan ng sinaunang mga lingkod ng Diyos na ang proteksiyon at kaligtasan nila ay nauugnay sa natatanging pangalan ng Diyos. “Ang pangalan ni Jehova ay matibay na tore. Doon tumatakbo ang matuwid at ipinagsasanggalang.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) “Ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay makaliligtas.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ipinapakita ng Bibliya na ang mga naglilingkod sa Diyos ay makikilala sa kaniyang pangalan. “Sapagkat ang lahat ng mga bayan, sa ganang kanila, ay lalakad bawat isa sa pangalan ng kaniyang diyos; ngunit tayo, sa ganang atin, ay lalakad sa pangalan ni Jehova na ating Diyos hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
ANG ISINISIWALAT NG PANGALAN NG DIYOS
Ito lang ang pangalang nagpapakilala sa Diyos. Ayon sa maraming iskolar, ang pangalang Jehova ay nangangahulugang “Pinangyayari Niyang Maging Gayon.” Nilinaw ng Diyos na Jehova ang kahulugan ng pangalan niya nang sabihin niya kay Moises: “Ako ay Magiging Gayon sa Anumang Ako ay Magiging Gayon.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya ipinapakita ng pangalan ng Diyos na hindi lang siya Maylikha ng lahat ng bagay. Ipinahihiwatig din nito na pinangyayari niya ang kaniyang sarili o ang kaniyang mga nilalang na maging anuman na kailangan para matupad ang kaniyang layunin. Kung inilalarawan ng mga titulo ng Diyos ang kaniyang posisyon, awtoridad, o kapangyarihan, tanging ang pangalan niya ang kumakatawan sa kung sino siya at kung ano ang kaya niyang maging.
Ipinapakita ng pangalan ng Diyos na interesado siya sa atin. Ipinahihiwatig ng kahulugan ng pangalan ng Diyos na mahal niya ang kaniyang mga nilalang, kasama na tayo. At dahil ipinaalám ng Diyos ang pangalan niya, ibig sabihin, gusto niyang makilala natin siya. Bago pa man natin ito itanong sa kaniya, ipinakilala na niya ang pangalan niya. Maliwanag, gusto ng Diyos na makilala natin siya, hindi bilang isang misteryoso at malayong bathala, kundi isang tunay na Persona na puwede nating lapitan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ipinapakita ng paggamit natin sa pangalan ng Diyos na interesado tayo sa kaniya. Para ilarawan, kung may gusto kang maging kaibigan, baka hilingin mo sa kaniya na tawagin ka sa pangalan mo. Pero paano kung ayaw niyang gawin ito? Baka maisip mo kung talaga nga bang gusto niyang mapalapít sa iyo. Ganiyan din pagdating sa Diyos. Sinabi ni Jehova sa atin ang kaniyang pangalan, at gusto niyang gamitin natin ito. Kapag ginagawa natin iyan, ipinapakita natin kay Jehova na gusto nating mapalapít sa kaniya. Ang totoo, napapansin niya ang mga nagpapahalaga o “palaisip sa kaniyang pangalan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ang pag-alam sa pangalan ng Diyos ang unang hakbang para makilala siya. Pero hindi sapat iyan. Kailangan nating makilala ang Persona sa likod ng pangalang iyan. Dapat nating malaman kung anong uri siya ng Diyos.
ANO ANG PANGALAN NG DIYOS? Ang pangalan ng Diyos ay Jehova. Ito lang ang pangalang nagpapakilala sa Diyos bilang Persona na kayang tumupad ng kaniyang layunin
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Hindi nilikha ng uniberso ang sarili nito; hindi puwedeng basta na lang ito lumitaw. Ang isang bagay ay hindi puwedeng magmula sa wala. Kung walang umiiral bago pa ang uniberso, wala sanang uniberso ngayon. Mahirap maintindihan iyan. Pero tiyak na mayroong isa, na dati nang umiiral at hindi bahagi ng uniberso, na lumikha ng lahat. Ang Maylikha na iyan ay ang Diyos na Jehova—ang espiritung persona na makapangyarihan at marunong sa lahat.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Sinasabi ng Bibliya tungkol sa Diyos: “Bago naipanganak ang mga bundok, o bago mo iniluwal na waring may mga kirot ng pagdaramdam ang lupa at ang mabungang lupain, mula pa sa panahong walang takda hanggang sa panahong walang takda ay ikaw ang Diyos.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ibig sabihin, dati nang umiiral ang Diyos. Pagkatapos, “nang pasimula” ay nilalang niya ang pisikal na uniberso.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.