What's new

Help Ano maganda pagusupan pag 'di mo pa kilala ung babae

Simulan mo sa tanong na ilang taon ka na, then pag sinabi na nya kung ilang taon na sya, sabihin mo akala ko 4 e.... 4me
 
Tamang tama, need ko to. Hanap ulit ng Bago Hahah naka move na eh.
Biruin mo lang, parang universal na ata yun na lagyan mo always ng sense of humour pagkatao mo kahit gano ka kaboring sa totoong buhay pero wag naman pasobra ha. Baga kahit wala naman nakakatawa, eh tumatawa ka. Siguro more on hobbies, lifestyle ganun. Usually nasa hilig yan kagaya ng sinabi ng iba, ano hilig mo . Favorites mo, niya. Tanong mo narin ung birthday, maalala mo lng ung mga maliit na bagay, pero appreciate nila small details.

Pota ung crush Ikakasal na hayop,
Tapos ung nililigawan ko dati.
May asawa na may anak na.


Ako nalang naiwang single.


Tips lang, along da way ng conversation niyo wag kang mageexpress ng mga future plans niyo ng basta basta. Like 'Gusto ko pagnakasal na tayo, ganto ganyan' . Promise disappointment at depression aabutin mo pag di kayo nagtagal. Buti di ako umabot sa point na yun pero gang ngayon binabasa ko parin ung lumang text messages at chat namen. 🥺🥺🥺


Balikan niyo nalang ako pag kayo na. Papahabol ko kayo sa aso namen
 
[XX='Syenderr, c: 676836, m: 1369445'][/XX] laptrip haha. Gusto ko lng nmn ng bagong no load potek bat napadpad ako dito.
 

Mahiwagang Technique


  1. Kausapin mo in straight consecutive days
  2. Mas maganda pag makausap mo ng madalas. Like straight 7 days I guess. Depende sa level ng interest niya sayo. Pakiramdaman mo ung haba ng convo niyo
  3. Wag Umasa, please lang para walang madedepress.please lang po.

  4. Pag madalas na usapan niyo, i ghost mo. Let's say, 2days? Or more.
  5. Abang for any reaction niya. Pag naghanap yan sayo in a span of more than 3 days na di ka nagparamdam. 25% may chance kana. / Or else baka mag report yan na missing person ka. Ahhahhhaha
  6. Wag ka munang gumalaw. Kaibiganin mo na ng todo todo. Tulong dto, tulong doon. Pero wag mong iispoil mamaya baka ginagamit kalang niya kagaya ng nangyari saken.
  7. Still pakiramdaman niyo.
  8. Pag feel niyo na green light na. Alam niyo gagawin. Pero wag niyo talagang iispoil. At the end based sa naririnig ko, nagiging boring relationships nila.
 
Ako kasi dati pre, ako ung nangungulit. Marerealize mo okay lng nmn mangulit pero pag sobra sobra, ang panget. Ikaw ung may high adrenaline kaka antay ng reply pero ung kinukulit mo, di mo alam may ginagawa. May Maliliit na bagay talaga daw na , nakaka turn of talaga sa kanila. Kaya mag iingat nako next time. Pramis.
 
Ingat na talaga pre, katulad din sakin ung gf ko always may ol class imbis na kulitin ko tinutulungan ko nalang haha suportahan lang babawi naman sila pag free time, and pag bumawi sila sobrang gaan sa pakiramdam
 
Swerte nga pag ganun ganun ung taong mahanap mo. Nasabi ko lahat ng nasa taas na yan kasi effective yan saken. Pero dun sa pa rt ng pagtulong, kwento ko lang kasi umasa talaga ako. At the same time umabot din sa point na napuntahan ko siya personally, taga luzon kasi siya. Im from Visayas. Mga homeworks niya, i guess some projects. " Uy ano pede isagot dito/ pano to" naalala ko Senior high school ako that time ng nakilala ko siya. i was hoping in return of something na kasi because of that help, na kunyari matalino ako, na consistent ako sa maliliit na bagay eh nag assume agad ako na ay-- makukuha ko to. I tried the ghosting method after fee months of convo namin, dude Walang paramdam. Ayun auto Depress. Hahhahah. Gulat ako, hanap pala ung walang saging. 😂
 
Basic rule nalang para di masyadong masakit is wag basta basta umasa, kapalit man yan or lets say siya na para sayo. At the end, buti na ung nakakatulong tayo, kung karelasyon mo na , edi good. Ingat lang palagi sa galawan. Pag hindi pa kayo, mas lalo kang mag ingat, baka Nasa kamay mo mahila pa ng iba, mas malala ikaw pa ung nahulog sa imbornal kasi binitawan ka nia.
 
Face scan during convo and Eye contact are effective psychological tricks. Kahit sa Job interview. Wag lang OA hahaha. Baka masampal ka. Amazing Advice. 💯💯💯💯
 

Similar threads

Back
Top