What's new

Need advice hehe

Kraken008

Honorary Poster
Established
Joined
Jan 4, 2020
Posts
464
Reaction
119
Points
212
Mga boss ano opinyon nyo sa sitwasyon ko hehe ?

2 times na kase nag cheat saken misis ko , kada kilos nya duda na ko lagi , lam mo yun parang di ako naniniwala sa mga sinasabi nya at sinasabi nyang di nya na di na uulitin , kase 2nd time na e , hmm sakit lagi sa utak at sa pakiramdam na baka mamaya may ginagawa nanaman syang kababalaghan , pano pa kaya kung malayo ako or stay in diba , di ako makampate 😔

Pero sa isang banda e sobrang mahal ko sya , parang sya lang kase yung babae na meron sa lahat ng hinahanap ko hehe , tyaka marami nakong pinagpalit dahil lang sa kanya at binago ko yung sarili ko para sa kanya at higit sa lahat may anak kami na sobrang saya pag alam na kumpleto kami , ayaw nga daw kami maghiwalay sabi anak ko e

Ano tingin nyo mga idol , apaka ***** ko ba ? O dapat nalang din hayaan ?

Matsala po ng madami ☺️
 
Stay muna hanggang sa maging mature mga anak, hanggang sa kaya na nila matanggap at makapagdesisiyon kung bakit kayo maghihiwalay kung dun nga papunta ang decision niyo. Hayaan mo na misis mo, decision niya yung magcheat. Tigil mo na mag-invest sa kanya. Iwas na rin sa pakipags3x sa kanya, baka may sakit na yun, mahawa ka pa. O gamit ka c0nd*m.
 
Tama magtiis kana lang muna para sa mga bata, at wag na wag kayong mag aaway sa harap nya/nila kasi maaapektuhan mental health ng mga bata.
 
kung may anak lang din naman better to stay muna paps, dapat alam mo kung ano ang kahihinatnan para di masyadong masakit pag nangyari kase alam mo namang ganyan misis mo. go with the flow nalang tas kwento mo sa pamilya mo o tropa para incase na magloko di kapa mabaliktad.
 
sa opinion ko lang ha, alam ko may mag disagree dito pero sakin lang naman to. .kung ako tatanungin di na ko babalik, kasi 2ng time na ehh, kung baga niluluwa ka na talaga nyan, uulit ulit padin yan yung pag cheat nyan. .ipaparanas ko din sa kanya kung anu ginawa nya, para kung marealize nya na mahal nya kami ng anak namin, huli na ang lahat. .no more chances. .maging matatag ka lang malimutan mo din yan, lalo na nkipag s3xx na sya sa iba. .hahaha yun lang bye 🙂
 
need talaga mag usap kayo pangit ang hiwalay dahil affected ang bata maging broken family tapos usapin nalang ang fam nya lalo ang magulang (if buhay pa) or kapatid nya sa problema nyo
Di ako nagkulang sa pakikipag communicate lods , ang nagiging dating lang din sa kanya labas pasok sa magkabilang tenga , tyaka parang di sya lagi makahindi pag may nangdedemonyo sa kanyang ibang lalaki

Stay muna hanggang sa maging mature mga anak, hanggang sa kaya na nila matanggap at makapagdesisiyon kung bakit kayo maghihiwalay kung dun nga papunta ang decision niyo. Hayaan mo na misis mo, decision niya yung magcheat. Tigil mo na mag-invest sa kanya. Iwas na rin sa pakipags3x sa kanya, baka may sakit na yun, mahawa ka pa. O gamit ka c0nd*m.
Matagal pa boss , maliit pa kase bata

sa opinion ko lang ha, alam ko may mag disagree dito pero sakin lang naman to. .kung ako tatanungin di na ko babalik, kasi 2ng time na ehh, kung baga niluluwa ka na talaga nyan, uulit ulit padin yan yung pag cheat nyan. .ipaparanas ko din sa kanya kung anu ginawa nya, para kung marealize nya na mahal nya kami ng anak namin, huli na ang lahat. .no more chances. .maging matatag ka lang malimutan mo din yan, lalo na nkipag s3xx na sya sa iba. .hahaha yun lang bye 🙂
Sana nga boss ganun lang kadali iwaglit ba lahat hehe , pero sa misis ko parang ang bilis nya lang itapon ba lahat

kung may anak lang din naman better to stay muna paps, dapat alam mo kung ano ang kahihinatnan para di masyadong masakit pag nangyari kase alam mo namang ganyan misis mo. go with the flow nalang tas kwento mo sa pamilya mo o tropa para incase na magloko di kapa mabaliktad.
Salamat boss
 
kung ako po tatanungin nyo pa council po kayo baka kailangan po ng intervention ng mga psychologist or experts, kasi po kung kasal kayo at same po na nag da doubt ka and still may possibility nmn talga na maulit iyon ni misis kasi sa relasyon di po natin maitatangi na may submissive at merong dominant sa nangyayari po na ikaw lagi nag papatawad nagiging submissive po kayo sa posibilidad na maulit. maari pong di nya na po ulitin talaga pero mas maganda kung ma instillnyo po yung reason ng pagsasama nyo in mutual respect. atleast malalaman mo din po reason nya bakit sya nagloloko and at the same time makakuha ka po ng peace of mind after counceling sessions.
 
Salamat boss , baka nga need ko din ng counceling , masyado na ko kinakain ng duda at hinala ko oras oras , di nadin ako nakakatulog ng maayos hehe

need talaga mag usap kayo pangit ang hiwalay dahil affected ang bata maging broken family tapos usapin nalang ang fam nya lalo ang magulang (if buhay pa) or kapatid nya sa problema nyo
Pangit naman talaga maghiwalay boss , dahil kami bumuo netong family na to tapos masisira lang dahil sa lust ng misis ko
 
Salamat boss , baka nga need ko din ng counceling , masyado na ko kinakain ng duda at hinala ko oras oras , di nadin ako nakakatulog ng maayos hehe

Pangit naman talaga maghiwalay boss , dahil kami bumuo netong family na to tapos masisira lang dahil sa lust ng misis ko
kausapin nalang ang fam nya baka ma tulongan pa kayo unless magulo din fam nya hanap ka nalang ng isa sa kanila na close ng misis mo
 
Di kami close fam nya boss e hehe , isa pa dun lang ako nakakapag kwento ng mga hinanakit ko sa mga kawork ko pag lasing pa haha , pero most of the time sinasarili ko nalang gantong feeling ko , lalo wala naman nakikinig saken

Thanks sa inyo mga boss , kahit pano e may nakausap ako tungkol sa problem ko 🙃
 
Last edited:

stay strong po bro para sa family mo baka naman ma reconcile na ang misis mo
 
"Ano tingin nyo mga idol , apaka ***** ko ba ?"

Answer: Opo kuya.. buti alam mo.. di na mag babago yan lalo't twice na nya ginawa..
 
Similar threads

Back
Top