What's new

Help Ano po kaya pwede igamot sa Aso namen?

ShadowsucksR

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 3, 2019
Posts
2,424
Reaction
4,048
Points
1,002
Mga ilang araw narin po syang di kumakain, tapos nagsusuka po sya ng dugo, at hindi makalakad ng maayos, tapos yung mata nya naka luha.

Eto po yung pic. Simula kahapon, nung itinali sya sa labas para paliguan, matagal narin kasi sya di nakaligo kaya mabaho, dahil narin nagsusuka sa loob namin, pagkatapos paliguan hinintay matuyo bago ipasok sa loob, pero ayaw nya ng umalis dyan simula kahapon, di na ata sya makatayo.😔
20220102_071721.jpg
20220102_071838.jpg
20220102_071844.jpg
 

Attachments

Parvo yan konsulta na kayo agad sa Vet para maagapan. Need yan idextrose tapos may ibibigay na reseta na gamot
 
Ganyan behavior ng mga aso pag may nararamdaman silang hindi maganda. Nabanggit mo na ring naluluha, pwedeng may masakit sa kanya dyan.

Idala niyo na sa veterinarian, TS. Medyo komplikado yan since may bleeding. Pwedeng may sugat yan sa tiyan o pwedeng may underlying na sakit. Either way parehong alanganin at potentially deadly.
 
Parvo yan konsulta na kayo agad sa Vet para maagapan. Need yan idextrose tapos may ibibigay na reseta na gamot
Parvo po? Ano po meaning nun? Nag ka ganyan narin po ba aso nyo?
Mga magkano po kaya aabutin?

Ganyan behavior ng mga aso pag may nararamdaman silang hindi maganda. Nabanggit mo na ring naluluha, pwedeng may masakit sa kanya dyan.

Idala niyo na sa veterinarian, TS. Medyo komplikado yan since may bleeding. Pwedeng may sugat yan sa tiyan o pwedeng may underlying na sakit. Either way parehong alanganin at potentially deadly.
Oo nga po eh simula nung nagkasakit sya tahimik lang, di na sya tumatahol.
 
Parvo po yan, kadalasan target nyang parvo is cats and dogs pero di ko pa alam sa ibang pets. Yung alaga kong siamese jan namatay. Ipakonsulta mo na po sa vet at 'wag na hintaying lumala pa ts.
 
Kuha ka dahon ng malunggay tapos katasan mo. Dikdikin or blender tapos un katas painom mo sa kanya 3x a day.
 
Yup, as mentioned, pwedeng parvovirus yung cause nyang sa alaga mo, TS. Kailangan na talaga madala sa vet yan.
 
Parvo po yan, kadalasan target nyang parvo is cats and dogs pero di ko pa alam sa ibang pets. Yung alaga kong siamese jan namatay. Ipakonsulta mo na po sa vet at 'wag na hintaying lumala pa ts.
Hindi nyo po napakonsulta ung cat nyo?
 
try mo muna po yan nagkaganyan din kasi aso namin nakuha naman. pag di. na kaya vet na po
 
Effective yang asukal na may tubig pag di kumakain yung aso pero pagsumusuka na ng dugo ibang usapan na ata yan. Kailangan talaga dalhin sa vet, gagasto talaga
nakita ko to pwede sa tiktok pero di ko alam kung effective ba talaga, meron din daw yang egg yolk tas 6x a day ipapainom sa aso isang kutsara
 
Dapat din po kasi magresearch kayo NG mga pagkain na pwede at di pwede sa aso, usually kasi pag pinoy dog or local dog Kung ano food Natin, yun din pinapakain Natin sknila which is harmful po pala sa mga animals in the end nagka Karon sila ng sakit at kumplikasyon without us knowing kasi nasanay tayo na Ganon maghandle ng local dogs

If Yung dog ko masama pakiramdam or nagsusuka, pinapakain ko NG grass, both of them, local and may breed.. I don't give them food ng human Lalo na Yung may onions or garlic or may mga pangpalasa.. Dog food or meat Lang po na nilaga, and wag nyo pakakainin sila ng buto whether chicken or pork pa po Yan kasi di natutunaw yun at naiipon lang

But Yung aso mo po nagsusuka ng dugo means may internal bleeding na po yung dog nyo and need na ipavet
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top