What's new

Closed Anung masasabi nyo dito mga zer

Status
Not open for further replies.

arista_17

Eternal Poster
Joined
Mar 29, 2017
Posts
913
Reaction
398
Points
385
Age
24
Tiniyak ni dating Ilocos Sur Gov. Luis ‘Chavit’ Singson na magagawa nilang ibagsak ang presyo ng internet sa buong Pilipinas sakaling mapili ang kanilang consortium para maging 3rd telco sa bansa.

Inihayag ito ni Singson sa isang pulong balitaan sa Quezon City kung saan ay kanyang ibinunyag na lumagda sa isang kasunduan ang TierOne at ang LCS Group of Companies para bumili ng equity stake sa isang international broadband satellite operator na magbibigay-daan para magkaroon sila ng sariling satellite.

Si Singson ang chairman at president ng LCS Group of Companies.


Sinabi nito na bahagi ang nilagdaan nilang kasunduan sa pagnanais ng kanilang consortium na maging 3rd major telco player sa Pilipinas.

Ilulunsad anya ang satellite sa Agosto o Setyembre sa susunod na taon kapag napili ang kanilang consortium bilang 3rd telco player.

Kapag nangyari umano ito, mapapababa nila ang presyo ng internet sa buong bansa ng hanggang 95 porsiyento.
ni Singson na kung P100 ang presyo ng kanilang kalaban sa internet service ay P5 naman ang alok nilang serbisyo.

Ang gusto umano nila ay maging telco para sa lahat. Magkakaroon sila ng cable at satellite na ‘full connectivity’ sa 7,100 isla ng Pilipinas.


Dahil may sariling satellite, kaya umano nilang magbigay ng 1.3 Gigabits per second ng brandwidth per transponder na puwedeng magdeliber ng connectivity speed na hanggang 100 Megabits per second (Mbps).

Inihayag naman ni Ed Millana, president ng Millwave Systems Corp. na miyembro ng consortium, na kapag nailunsad ang kanilang broadband satellite ay magkakaroon ito ng ‘instant coverage’.

Hindi binanggit ang pangalan ng satellite operator dahil sensitibo umano ito lalo pa’t pipiliin pa lamang ang 3rd telco player.

Pero tiniyak ng consortium nina Singson na makokober nila ang buong bansa sa loob lamang ng isang taon.

“Naniniwala ako kay Presidente Duterte na magiging patas ang bidding. Kami ang pinaka-qualified at kami lang ang may proposal na buong Pilipinas, walang zezerohin na remote island. Ayaw kasi nila magbenta doon,” sabi pa ni Singson.
Tiniyak ni dating Ilocos Sur Gov. Luis ‘Chavit’ Singson na magagawa nilang ibagsak ang presyo ng internet sa buong Pilipinas sakaling mapili ang kanilang consortium para maging 3rd telco sa bansa.
Link:):)
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Last edited by a moderator:
Maganda yan kung totoo at kung kaya. Lalo na ang pilipinas isa sa may pinakamahal na internet call and text.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top