Naghahanap ako ng trabaho at marami rami na rin akong naapplyan . Naghahanap sila ng vax card kaso wala ako nun kaya di na ako natatawagan ulit para magpasa ng mga requirements bale 4 na company na yun nakatawag sakin. Requirements nila na mayroon dapat Vaccination card. Nagtanong na rin ako sa mga local municipal health at ibang hospital pero wala na daw sila tinuturok kasi expired na daw yung mga vax. Feeling ko kasalanan ko talaga, nakakapagsisi kasi di makapagwork. Akala ko talaga after ng covid di na hahanapan pero una nilang tinatanong yun. Ano kayang gagawin ko ? Napepressure na ako at parang nasisisi ako ng mga kapatid at mga kaibigan ko.