What's new

Bagsak ako sa Expensive na Subject

ylonagarcia

Honorary Poster
Established
Joined
Oct 27, 2016
Posts
438
Reaction
119
Points
203
Nalulungkot ako, on the way to bagsak ako sa subject namin na Business Application. Eh pano matanda na yung teacher namin tapos kung magtuturo siya pano gumawa nang business letter tsaka mga manuscript tas research style puro verbal lang, di niya minamaximize gamitin yung computer na pagkamahal mahal na 3,980 (computer lab fee) except pa diyan yung 1,750 sa tuition nang subject. Nakakainis pinaxerox ko lang yung isang activity nang kaklase ko kase di ko talaga naintindihan kaya na 0 ako (no score, photocopied) nakalagay, tas sa isang activity manuscript di ko din nagets yung instruction though nagpasa ako pero wala zero pa rin score ko, bale four activities na kame this finals tas 30/40, 18/40, 0/40, 0/40 scores ko, eh 74 pa naman midterms grade ko.

Half of the class bumagsak sa midterms pero mostly 74 yung grade gaya sakin, ngayong finals pansin ko nagtutulungan sila as a class, sobrang hirap kase irregular ako eh di naman ako hiyang makipag-usap tas magtatanong or wala akong mapagtanungan a day before submission kung tama ba pinag-gagagawa ko. Okay lang naman sakin bumagsak, pero di ko masikmura na sinayang ko ganyan kalaking pera nang ate ko na nagpapaaral sakin. Hayst, nakakabadtrip talaga di ako hiyang sa pagtuturo niya wala pa naman mga examples na binibigay si anteh. Dati kase siyang dean nang college of arts, eh biglang nagturo sa department namin na college of business, malakas kapit sa mga officials nang school. Whatever nalang, alam ko nagkulang din ako pero huhuhu yung tuition di ko masikmura, nagkulang din naman kase yang teacher na yan bwisit pagkamahal mahal nang computer lab fee hindi naman ginagamit.

Ikaw ba naman tuturuan pano gumamit nang footnote, pano ang left bound, top bound, puro salita lang yung sinasabe niya, ano yun ipipicture mo nalang sa utak mo kung san banda yang mga yan sa word docs app hayst 😕 tapos magdadahilan pa siya na di siya techy kaya di namin minamaximize yung computer lab, as in computer kaharap namin every lesson pero nagveverbal talk lang siya.
 
Last edited:
Lods tanggapin mo nalang, nangyari na eh, kung talagang may pagkukulang yung prof, mag rekalamo kayo sa school nyo tutal madami nman kayo, para mapagsabihan yung prof at maitama yung mga mali nya,, galingan mo nlang sa susunod lods, aral lang makaka graduate ka din basta wag kang susuko.
 
Lods tanggapin mo nalang, nangyari na eh, kung talagang may pagkukulang yung prof, mag rekalamo kayo sa school nyo tutal madami nman kayo, para mapagsabihan yung prof at maitama yung mga mali nya,, galingan mo nlang sa susunod lods, aral lang makaka graduate ka din basta wag kang susuko.
Oo nga paps acceptance nalang talaga, actually nagbukas sila nang extra block sa subject na yan this sem kase madaming bumagsak din sa kanya last year kaya marami nagrequest. May position kase siya sa school eh, huling rinig ko kasama pa niya naglunch yung president nang school kasama nila yung Vietnamese na friend kuno nila na bumisita. ☠️

SELF STUDY IS THE KEY
Oo paps, i-take ko nalang siya as a lesson. Alam ko din kase nagkulang ako eh.. 🥲
 
Sa failed grade, wala na tayo magagawa dyan... Make the most out of it na lang...

As for you, try nyo mag group study pag ganyang ineffective na ang prof sa pagtuturo, kung hindi man self study... Also a tip, maganda na the moment na malaman mo kung sino prof mo, research mo agad pagkatao nya and style nya sa pagtuturo, and paano sya magpagawa ng activities or exams para alam mo paano paghandaan yung paghandle sa subject... From there, make adjustments... Wag ka magstick sa iisang way kung paano papasa...

As for your prof, ireklamo nyo para madiscipline din kung sa tingin nyo wala na sya silbi/ineffective na sa pagtuturo... Matanda na yan and based sa sinabi mo, di na yan mag aadjust sa technology na meron ngayon, you can't teach an old dog new tricks sabi nga nila... Better consult din sa mga kakilala nyong may alam sa legal and sa school rules kung gusto nyo sya tanggalan ng trabaho kung kaya, bago kayo dumiretso sa mga school officials...

Keep up the good work!
 
Back
Top