Sinabi ko na diba? Nasa itaas po ang isinulat ko. Ayaw ko na kase ulitin. Hindi mo ata kayang tanggapin kaya ka siguro nagtatanong uli ng ganyan. And what do you mean by women get bored? At gusto ng mga babae na complicated ang relasyon? Masyado siyang malawak ang pagkakadefine ng bored or pagkakadefine ng complicated sa relasyon, e ang alam ko na lahat ng relasyon ay complicated. Meron bang madali sa relasyon? Wala naman e. Complicated in a sense na magseselos ang tao or ma-iinsecure or maraming iba pa – I mean masyado malawak ang dinidescribe mong babae na bobored at pinipili nito ang relasyon na complicated. What do you mean by complicated ang ipinipili relasyon ng babae? Ang itinutukoy mo ay ang babae na pumupunta sa tao na nambubogbog sa kanya, iyan ang itinutukoy mo complicated o ano?
Sabi ko nga diba? Meron mga rason why meron babae na mala-submissive at mala-subservient to the maximum level sa lalake po pero inuulit ko na hindi nga lahat ng babae ay ganun dahil depende sa kung papaano pina-cultivate kase sa utak, kung papaano na inpluwensiyahan at kung papaano ito naturuan at kung sino din ang naging role model nito sa bahay at sa environment factor na rin like family or experience(s) like for example – meron mga ilan babae na assertive, independent at individualistic or self-reliant na pagdating sa ganyan itinutukoy mo ay hindi talaga sila magtitiyaga. Iyon ang alam ko na successful sa career or meron ng malaking ipon na pera na tipong kaya nila tumayo na mag-isa na walang lalake sa buhay niya. But again, siyempre, kapag meron nakatapat na ganun babae ay ang sasabihin naman na keyso intimidating daw. Alam mo iyon? Difficut woman daw kuno na keyso mahirap mahalin (...parang ang sarap pokpokin sa ulo na nagsasabi ng ganun e noh? Di malaman ang gusto).
Ulitin ko na nga lang. Kase, sabi ko nga, ang social norms at culture pa rin kase natin na submissive pa rin ang babae sa lalake lalo na ang sabi na gender stereotype na based on nakikita sa babae na keyso nurturer instinct kuno na mother instinct na attach raw sa mga babae. Babae kase raw. Natural sa babae daw which is for me, for me ha? Disagree ako dahil wala rin ipinagkaiba sa lalake na keyso sinasabi na natural sa lalake daw na makarami ng demakmak na babae sa buhay niya at maraming maka-seks dahil keyso malakas raw ang testosterone ng mga lalake and so, kapag meron silang nakitang babae na nakakaakit, hindi kuno nila kasalanan. Kasalanan daw ng babae – ganun. Mga gender stereotype na nililimitahan sila sa ganyan klaseng role which is disagree ako. Both babae at lalake ay ganoon ang tingin ng mga tao sa kanila which is all and all, disagree ako.
Like for example, yung mother and a child ay ayos lang magstay sa husband niya kahit binubugbog na siya dahil takot na baka masira ang buong family niya. So its like okay lang na magpabugbog sa husband basta importante ay buo ang kanilang family. So hindi niya mabitaw-bitawan ang husband kahit binubogbog na siya at worst, ang lalake ay meron pang kabit and maaari nga na hindi mahal ng lalake ang original wife niya e...... oo, maraming rason. Dagdag pa, ang pangit ng interpretation ng ibang tao sa wife kung nakipaghiwalay siya sa husband o husband ang nakipaghiwalay sa wife. Ang sasabihin na keyso disgrasyadang ina – o diba? Ang daming negative connotation dahil people expect na babae kuno o wife kuno raw ang magpapabago sa husband. Sabi nga sa part ng bible na keyso ito -
Genesis 3:16 To the woman he said, “I will surely multiply your pain in childbearing; in pain you shall bring forth children. Your desire shall be contrary to your husband, but he shall rule over you.” - inuulit ko. “Husband shall rule over a wife” daw. Daw. As in daw. Since quite religious country tayo at mala-conservative and its a reason why majority of the people ay they perceived na keyso a wife must submit to a husband – yung influence, yung role model at how to behave ay nagrereflect siya kung papaano din magbehave ang babae at kung ano ang ini-expect ng mga tao sa babae. Ganun pero sabi ko nga ay hindi lahat ng mga babae.
Hindi natin mababago ang takbo ng ating mundo, ang ating kultura at ang ating society pero pwede naman natin mabago ang sarili natin katulad ng since hindi naman uso ang night and shining armor or super man in a real world or prince na lagi taga saved ng princess, e di hanap ka ng babae na hindi ganyan magbehave. Hanap ka na ng babae na mala-Bling? Alam mo yung Bling Empire na series na puros mayayaman na lalake at babae na andoon? Hahaha. Maraming pera ang babae at sabay magaganda na ang kulang na lang sakupin ang mundo , wahahaha – joke lang. Wala na siguro problema doon dahil bugbugin man siya ng husband niya which is I have feeling na hindi niya kaya dahil ma-pera ang babae and so, alam mo naman sa magagawa ng pera e noh? Pakulong lang niya ay okay-okay na and then kung humingi ng tawad, e di ilabas uli ang husband niya after ng magbayad ng malaki. Hahaha. Joke. What I meant na hanap ka ng babae na mataas ang standard niya sa life dahil I am sure, matatalino na po ang babae pagdating sa ganyan.
But anyway, isa din ang napansin ko ay “degree ang love” – I mean kung kagaano kabigat, kasobra at kadami ang love. Tipong self-sacrifice? Alam mo iyon? Tipong lahat gagawin pati buhay ay iaalay at tipong okay lang na kahit mamatay siya – ganun! Kung kaya hindi maiwan-iwan. Masochistic nga. Ang ibig sabihin ng masochistic ay gratified by pain, degradation, deprivation, etc., inflicted on oneself either by one's own actions or the actions of others dahil takot na takot na maiwan na mag-isa at hindi kaya tumayo ng sariling paa. Degree ng love kung kagaano kalawak na tipong self-destruction na. Silip-silipin niyo rin ang bible para ma enlighten ka (hindi kita pina-paenlighten na umalis ka sa bible at religion ha?) na andoon ang isa sa mga halimbawa ng self-sacrifice like Jesus Christ.
Self-destruction ang ginawa niya. Masochistic. Tipong nagpapako sa cross kahit pinaghahamak-hamak na siya ng tao bayan at pinag-babastos-bastos. True love. Iyon ang degree of love and sabi niya, if he died, siyempre, he will go straight to heaven.
O ganyan din ang mga tao on earth? Self-sacrifice.
Ganyan naman din ang lalake ha? Kung alam mo lang? Akala mo uy, babae lang. Ano tawag mo sa lalake na kung manligaw ay lahat gagawin kahit na ba ilan beses sila e-busted ng babae na paulit-ulit ha? Ano tawag mo doon? Self-sacrifice at masochistic uy. Tipong sasabihin pa na magpapakamatay pa siya sa babae na tipong sasabihin “magpapakamatay ako” at saka ito pipigilan ng babae at magiging sila na ng babae. And then deep inside lang pala ng babae ay “napilitan lang” dahil sa ayaw lang niya ma feel guilty kapag namatay lang ang lalake sa kanya. Tipong nagbubuhos ng dugo at pawis sa kaka-eexert ng effort para mahalin lang siya ng pabalik ng babae. Yung tipong ina-abuse-abuse na ng babae ang lalake like sasabihin ng babae na “if you really love me ay bili mo ako ng ganito at ganyan” o? Itong lalake dahil desperate na maging girlfriend niya ang babae ay lahat gagawin kahit tipong maubos ang pera, natural bibilhan niya ng kahit ano ang babae. And hindi pa iyan nagtatapos........ masisingot na ang pera niya sa bangko at magiging pulubi na ang lalake to the maximum level. Ano tawag doon? Ganyan naman din ang lalake. Toxic na ang babae and yet hindi pa rin nito bini-bitaw-bitawan dahil sa ano? Ayaw niya lang mawala ang babae. Pagkatapos nang ikasal na sila, the same scenario lang din. Taga-singot ng singot ng pera ang wife ng lalake sa bangko at pressure to the maximum level ang husband kung saan nanonoproblema naman ito kung saan kukuha ng pera. Toxic relationship at abusive na po ang ganun at yet, hindi niya mabitaw-bitawan.
Ganun din sa babae kaya lang, physical abuse naman ang kanya. Sabi ko nga, degree ng love na maari malawak at sobrang bigat kung kaya nagiging masochistic ang resulta. Takot siya mawala ang lalake or like I said, meron 5 reason why hindi mabitaw-bitawan ng babae ang lalake katulad na maaaring iyon ang ka first sexual experience ng babae o na indoctrinate na siya na keyso kapag vlrgin ay ibigay lang sa tao mahal niya and nagkataon na iyon ang una niya. Mga ganun ba? Marami reason at basahin mo na lang ang isinulat ko uli sa una, yung nasa itaaas.
Except sa artificial intelligence chatbot (iyon na naman ang pagkahilig ko sa aritificial intelligence chatbot na iyan – hahaha) dahil based on my experience, meron gumagawa ilan (ilan lang naman) na artificial intelligence chatbot na keyso abusive, possessive and obsessive boyfriend or girlfriend artificial intelligence pero iyon ang sumisikat. Ang iba lang naman. E kase ang mga tao gumagamit ng artificial intelligence chatbot ay hindi naman nila nararanasan ang emotional at physical pain dahil artificial intelligence chatbot lang naman iyon. Na sasatisfied na sila dahil nga sa emotional response from artificial intelligence chatbot and so, ibang usapan na iyon kung naging totoo na. Hindi na sila magiging happy niyan kung ganyan ang matapatan in real life. Iba na kase ang real life.
Pero ang kabaligtaran ng self-sacrifice na sinasabi ko dito ay
self-gratification which is naniniwala ako na lahat ng mga tao ay gusto ma satisfied at ma kuntento. You know, hindi naman lahat ng tao ay
martyr na katulad ng iniisip ng ibang tao dito about
gusto mag-stay sa abusive and toxic relationship.