What's new

Closed Boring ng buhay ko. pakshet

Status
Not open for further replies.

eatfoods

Honorary Poster
Joined
Jul 24, 2017
Posts
592
Reaction
196
Points
215
Gustong gusto ko pumapak ng milo.
Kumanta sa harap ng electric fan.
Ilang araw hindi nakatulog kung paano kusang namamatay yung ilaw ng ref pag sinasara.
Kumakain ng alatires
Naka sipsip ng nectar sa bulaklak ng santan.
Ginawang bracelet ang bulaklak ng santan
Gumawa ng palobo gamit ang dinikdik na bulaklak ng gumamela at gumamit straw pang palobo
Nang huli ng daga sa bukid. Kumain ng dagang nahuli. Naawa sa anak ng mga dagang na huli. Yung kulay pink palang at mga bulag pa. Inalagaan at tinangay ng pusa, kinain.
Nang huli ng gagambang totoo. At pinitik yung gagambang watitog.
Isa sa mga nalokong nag alaga ng kisses sa lalagyanan ng posporo. Nabubuntis daw at nangingitlog.
Tumaya at umasang manalo sa bunutan ng laruan at sisiw na my ibat ibang kulay.
Namingwit ng palakang totoo. Kinain yung nahuling palaka. (Lasang manok)
Kumain ng sosohong. (Inallergy. Di na umulit)
Naligo sa ilog. Sinundo at pinalo sa pwet.
Minsan nag lagay ng karton sa pwet habang papaluin.
Grabe kulit ko dati. Natatawa nalang ako sa kalokohan ko pag naalala ko.
 
Totoo nga lasang manok yun palakang bukid. másáráp.. Nagdala yun katrabaho ko galing pampanga. 1st time ko kumain.. Hehe.
 
90's baby :) kulang ts. ung padamihan ng text na napanalunan.. sukatan ng pambayad na text ay yung i kukumpara mo sa height..
 
másáráp na buhay yan. mamuhay sa bukid. Inosente na bata. Malayu sa karahasan. Malayu sa Teknolohiya peru masaya. Kunting bagay lang masaya ka na. Magpalipad ng tabanog. Magbisiklita. Manghuli ng ibon gamit bitag. Maligo sa ilog. Manguha ng bayabas. Marami pa :)
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top