What's new

Help Budget meal mountain bike

ketx012

Forum Guru
Elite
Joined
Jun 29, 2019
Posts
3,907
Solutions
2
Reaction
3,528
Points
1,187
so bali bumili ako ng murang mtb . then pinalitan ko
saddle
handle bar
kambyo
stem
stem adaptor

edi all goods na di ba ? ngayon tanong ko mga lods . bakit may parang lumalagutok kapag nagpepedal ako. pinaayos ko na sa bike shop . nawala naman tas kinabukasan bumalik ulit. ano nangyare at hindi naman umaalog buong pedalan o kung saan man.

gusto ko sana ng idea mga lods.

isa pang issue ko is kapag nagswitching gear . pinatono ko na sa bike shop rin . kaso yun 3 speed.. 2 lang daw gumagana.

tas likod gang sa 2nd to the highest.. eh bike shop na yun naitono na.

sana may master dito about sa bike para sa confusion ko above issue's

pero over all . goods pa rin naman pwede rin ipang rides.
 
"bakit may parang lumalagutok kapag nagpepedal ako"

- sa experience ko paps, either sa rear hub yan or sa cogs mo (kung threaded type). May problema sa ball bearings



"isa pang issue ko is kapag nagswitching gear . pinatono ko na sa bike shop rin . kaso yun 3 speed.. 2 lang daw gumagana. Tas likod gang sa 2nd to the highest.. eh bike shop na yun naitono na"

- eto medyo tricky. Kung stock ang FD/RD/chain/shifters mo, dapat okay ang shifting niyan. Kung meron kang pinalitan diyan, kung hindi siya "compatible" sa ibang stock parts, hindi yan mag shi-shift ng tama. For example, yung LTWOO A5 ko na shifters/FD/RD set, meron yun nakalagay na compatibility sa number of teeth ng cogs or yung sprocket (42 teeth na sprocket maximum niya na kayang i-shift sa likod) so kung lagpas sa ganyang number of teeth ang sprocket ko sa likod, hindi na siya magshi-shift ng maayos. Same din sa chainring sa harap dapat compatible din sa number of teeth.
Minsan din, nasa distansiya yan ng mga derailleur (yung adjuster kumbaga) kaya di maayos ang shifting. Lalo na sa mga "lumang" klase ng rear derailleur (yung sinasabit sa hub) medyo tricky din ang pag tono lalo na kung more than 7 gears
 
Hi,

yung lagutok marami kasi pwedeng panggalingan yan, kung walang alog ang cranks pag penepedal pwedeng ang issue ay sa ...

*seatpost baka madumi ang clamp or maluwang, linisan at higpitan mo nalang, pero wag masyado mahigpit.

*pwedeng sa hubs
*pwedeng sa RD
*pwedeng sa RD hanger (dropout)
*pwedeng kulang sa lubrication ang chain or sa RD pulleys mo.


yung FD mo na di umaabot sa 3rd gear, 2 gears lang na si shift kasi yung shifter mo ay pant 2 shifts lang, wag mo na pilitin..

yung shifting mo naman sa RD pwede pa yan maitono pero pag hindi na talaga kaya kahit sa ibang shop mo ipagawa nasa RD mo na ang issue.

**ganyan talaga common issues ng budget meal bikes
 
salamat sa mga tanong.. pero yung lagutok sabi ng dating classmate ko. sa bottom bracket daw. tinesting nia. need daw malinisan or may palitan.
 
Ah ayun. Nakalimutan ko pala i-add sa comment ko hehe. Yung kadalasan stock na bottom bracket ng mga budget meal is yung dalawang flimsy na ball bearing tapos yung bakal na kabitan ng crank. Madaling masira yung ball bearing kaya lumalagutok
Bili ka ng sealed bearing na bottom bracket paps para mas matibay
 
Nasa 300 to 350 paps depende sa brand. Kung sa shopee naman, nasa 250 to 300 lang (excluding shipping fee)
 
Pwede po ba maki singit? Yan din problema ko yung nalagutok then yung isa pag nag shift ako na lagitik naman nawawala sa pag pedal
 

Similar threads

About this Thread

  • 9
    Replies
  • 2K
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
Ryze Main

Online statistics

Members online
397
Guests online
5,476
Total visitors
5,873
Back
Top