Help College kahit matanda na?

Lomug

Honorary Poster
Established
Pwede paba ako mag college ng 4yrs kahit 23 na ako?
Medyo nahihiya kase ako at parang nawawalan ako ng motivation sa pagpasok ako naiisip ko na matanda na ako e.
Pasagot naman dyan mga boss🥹
 
pwede lods ako 1st yr college palang 22 yrs old na

walang pinipiling edad ang edukasyon, yung nakakahiya is yung hindi mo tinuloy yung opportunity mo na makapag-aral.
 
Hi TS,

May classmate ako nakasabay ko grumaduate na 34 yrs old na ngayon. Bale 29/30 yrs old siya nag college ulit.

Graduate siya ng 2yrs course dati, kaso nahirapan siya maghanap ng trabaho kasi kadalasan ng nakikita niya puro 4yrs course kailangan. Kaya nagpursigi siya na mag-aral ulit.

Hangga't kaya mo pa TS lalo na't bata kapa, G lang! Sana ma-motivate ka TS and for sure may mga magiging classmate ka rin niyan na kaedaran mo. Good luck!
 
GO TS! mas nauna nga kami nakapag tapos ng bunso namin kesa sa kuya namin,
walang age limit si pag aaral, make sure wala ka lang maiiwan na responsibilidad.
 

Similar threads

Back
Top