What's new

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,954
Solutions
6
Reaction
66,413
Points
16,634

Ang aking pusong matagal na nagluluksa tila lumiligaya bigla​

nasilayan na naman ang aking inspirasyon na laging nagbibigay liwanag at sigla​

Pintig ng puso at kaba sa tuwing napapadaan ka​

Di maipaliwanag na damdamin ,kapag ika'y papalapit na.​

Sa bawat pag idlip ikaw lang laman nitong isip​

Hanggang sa aking pagpikit at pagtulog,​

ikaw lagi laman ng panaginip,​

Natatanong at nagtataka ,​

ito nga ba ay paghanga lamang o sadyang sayo'y umiibig na.​

Ikaw lang ang pinapangarap na makasabay​

makausap man lang at damdamin ay maisaysay​

Ngunit takot at pangamba di maiwasan tuwina​

Baka puso mo pala ay may laman ng iba.​

♥️Professora Akira♥️

 
Back
Top