What's new

Di ko alam san popost to dito na lang hehe

SuperSayang

Addict
Joined
Dec 4, 2022
Posts
305
Solutions
1
Reaction
92
Points
127
Sobrang nababadtrip ako sa tatay ko. May history kase ng ka-adikan. Tuwing nakikita ko naaalibadbaran ako at pakiramdam ko hindi ko mapapatawad.

Dumagdag pang ngayon ay nagrereview ako para sa Civil Engineering Boards for April 2024. Panay siya nood ng fb, tiktok, YøùTùbé at laro ng ML na pagkalakas-lakas ng tunog. Sobrang nadidistract ako. Hindi ako makafocus sa review, ilang beses ko na rin namang sinabihan na wag maingay kapag nag-aaral ako. Sa loob ko, parang gusto kong pagsalitaan ng kung ano ano pero iniwasan ko nalang dahil madamdamin at ako na ang umiintindi. Mahirap lang kami kaya wala akong choice pero hindi talaga pumapasok ang mga pinag aaralan ko sa utak ko kapag maingay at distracted ako. Kasama pa siguro sa yamot ko pag nakikita ko yung tatay ko, lagi kong naaalala yung ginawa niya. Napakaingay pa kung kumain, parang baboy. Ang hirap, hindi makaintindi.

May mga pwede ba kayong ma-advice?
 
change location, mag aral ka sa ibang lugar. or change routine. mag aral ka sa sa gabi or madaling araw. wala kang choice kun di ikaw lang mag adjust lods. hanap ka lang ng good condition time and area.
 
Maraming paraan paps ukol sa pag aaral mo, tanggalin mo ang inis paps madali nalang yan malutas, inis ka kasi kaya hindi ka makagawa ng mga paraan at diskarte
 
Gawin moyang motivation para maka alis ka sa sitwasyon nayan repa.

Change location nalang talaga pero mahirap din eh.

Siguro pag tulog nalang sya repa.
 
Gawin moyang motivation para maka alis ka sa sitwasyon nayan repa.

Change location nalang talaga pero mahirap din eh.

Siguro pag tulog nalang sya repa.
mahirap talaga mga papsicles and momsicles kase mahirap lang kami, wala kaming bahay so nagrerent lang kami. Ang kaso, isang kwarto lang to, at ayaw pa nila na bukas ang ilaw pag gabi kase di raw makatulog. Tsaka ang lakas pa hilik ng tatay ko. Ewan. Sana mai-raos ko to, tinawag pa naman ako ng nanay ko na investment plan niya. Umay talaga mamser
 
Boss mahalin mo ang tatay mo kahit ganyan, minsan din naman naging parang baboy ka din sa pagkain... Di palaging nandyan ang tatay mo, di palaging maingay yan kaya ikaw nalang mag-pasensya at mag-adjust
 
Back
Top