Ipagpalagay na ipinaliliwanag ng isang guro sa kaniyang mga estudyante kung paano bibigyan ng solusyon ang isang mahirap na problema. Isang matalino ngunit rebeldeng estudyante ang nagsabing mali ang paraan ng guro sa pagbibigay ng solusyon sa problema. Upang ipahiwatig na walang kakayahan ang guro, iginiit ng rebeldeng ito na may mas mahusay siyang paraan para mabigyan ng solusyon ang problema. Inisip naman ng ilang estudyante na tama siya, at nagrebelde rin sila. Ano ang gagawin ng guro?
again... with this epic fail analogy...
ang isang mabuting guro ay isa ring mabuting estudyante...
sa isang classroom... dapat hindi lang estudyante ang natututo... pati na rin ang guro dapat din may matutunan sa estudyante kung posible para magkaroon ng interaction ang classroom...
mas maganda kasi yan at maraming ideas ang lilibot at mas maraming kaalaman ang malalaman...
Kung paaalisin niya sa klase ang mga rebelde, ano ang magiging epekto nito sa ibang mga estudyante? Hindi kaya sila maniwala na tama ang kanilang kapuwa estudyante at ang mga kumampi sa kaniya?
e kung tama naman talaga yung estudyante e... edi yung mga matitino din magisip magaagree sa kanila...
pero kung hindi... dun sila 'kakampi' sa guro...
again... sa mga rational lang magisip nagaapply yan... di sa mga go with the flow at di nagiisip nang mabuti...
Ngunit sabihin nating pinahintulutan ng guro ang rebelde na ipakita sa klase kung paano nito bibigyan ng solusyon ang problema.
Mas kuwalipikado ba ang estudyante kaysa sa guro?
kung technicalities... syempre may lisensya yung guro... edi sya mas kuwalipikado...
pero kung sa praktikalan lang... kung alin ang mas magaling magturo... edi sya ang kuwalipikado...
kaya nga ang style na ng edukasyon ngayon e puro reporting e... binibigyan ng pagkakataon yung mga estudyante na magturo sa kanilang kapwa estudyante...
susuporta lang yung mga guro...
??? nagyayabang lang naman yang si skydaddy nyo na awesome sya...
kinalaman nyan dun sa analogy mo?
14. Ano ang magiging kapakinabangan sa pasiya ni Jehova na pahintulutan ang mga tao na pamahalaan ang kanilang sarili?
14 Alam ng guro sa ating ilustrasyon na mali ang rebelde at ang mga estudyanteng kumampi rito. Ngunit alam din ng guro na ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataon upang subukang patunayan ang kanilang punto ay magiging kapaki-pakinabang sa buong klase. Kapag nabigo ang mga rebelde, makikita ng lahat ng matatapat na estudyante na tanging ang guro lamang ang kuwalipikado para manguna sa klase. Mauunawaan nila kung bakit pagkatapos nito ay aalisin ng guro sa kaniyang klase ang mga rebelde.
o! alam naman palang mali... e bat di nya tinama?
iresponsableng guro! dapat tanggalan ng lisensya yan... dapat iguide nya yung estudyante imbis na hayaan sya magmarunong at ipahiya yung sarili...
kung ako studyanteng yan... di ko na hihintaying paaalisin ako... takte magdadropout na lang ako...
paglaruan ka ba naman at gawing sacrificial lamb ng guro mo... report ko pa yan sa deped/ched e... piste!
Sa katulad na paraan, alam ni Jehova na ang lahat ng tapat-pusong tao at anghel ay makikinabang kapag nakita nilang nabigo si Satanas at ang kaniyang kapuwa mga rebelde at na hindi kayang pamahalaan ng mga tao ang kanilang sarili.
hmmm... hello secular states...
15. [...]Una, hindi niya pinigilan ang pagsisikap ni Satanas at ng mga pumanig dito na patunayang tama sila.
meh... kung alam naman ng skydaddy nyo na lalagapak yang si satanas... e bat di nya pa pinigilan nung early stages pa ng rebelyon nya? ayaw nya iligtas si satanas? di ba nya to mahal? o di nya kaya?
ay oo nga pala... tulad doon sa nauna mong pinahiwatig ''sacrificial lamb' yang si satanas... mahilig si skydaddy dyan... RAMEN!
Sa loob ng libu-libong taon ng kasaysayan ng tao, nasubukan na ng sangkatauhan ang lahat ng anyo ng pamamahala sa sarili, o pamahalaan ng tao. Nakagawa ng ilang pagsulong ang sangkatauhan sa siyensiya at sa iba pang larangan, ngunit ang kawalang-katarungan, karalitaan, krimen, at digmaan ay lalo pang lumalala. Napatunayan na ngayon na bigo ang pamamahala ng tao.
anubayan... alam ko alam na yan ng dyos at nafoforsee na nya yan...
bat ba nga nya hinayaan na mangyari yan? e kung nagmanifest na lang naman sya sa buong mundo at pinakita ang absolute authority nya... edi wala na yang mga sinasabi mong gulo na yan...
pinaglalaruan lang siguro talaga tayo nyang skydaddy nyo no? andami namang mga masokista na sya naman yung dahilan ng paghihirap dito dahil hinayaan niya yan at sinasamba pa sya... seriously?
Kung gagawin ito ng Diyos, hindi kaya maisip ng mga tao na marahil ay kaya nilang pamahalaan ang kanilang sarili nang walang kapaha-pahamak na mga resulta?
again... just !@#$ing manifest yourself to the whole !@#$ing world!
tingnan nating kung may magdefy pa sa kanya... kung totoo talaga sya...
Nagagalak tayo na hindi siya kumilos kaagad, sapagkat ang kaniyang pagtitiis ay nagbigay sa atin ng pagkakataong matuto ng katotohanan at mapaglingkuran siya.
mga masokista talaga... nagdusa na nagalak pa...
katotohanan na ano? skydaddy enjoys seeing you suffer? then gives you salvation to honor him... which in the first place his judgement is the root cause of your suffering...
yeah right! swerte ng skydaddy e... nothing wrong going for him e...
late reply... katamad magreply sa copy paste... nakainom lang ngayong umaga ng kape kaya sinipag...