What's new

Help DIY: Laptop to PC

Cavenditsu

Journeyman
Joined
Nov 26, 2023
Posts
15
Reaction
103
Points
17
Meron po akong lumang laptop, yung home key ay may ghosting. Nalaman ko dahil sa pagtype, yung text cursor bumablik sa unahan or kapag namimili sa isang menu, bumabalik sa unang selection at sa terminal, may lumalabas na ^[[1~ sunod-sunod.

Balak ko po gawin ito na parang PC. Yung LCD, gagawin monitor, tanggalin trackpad at keyboard at gagamit ng external keyboard at mouse.

Notes:
  • meron pang battery, maayos pa at meron din charger
  • may screw sa na hindi ko matanggal
  • wala po akong mga gamit/tools na pang electronics/electrical, etc. meron lang po yung pang carpentry (walang saw)
  • gusto ko po sana recycled na mga materials gamitin kasi wala po ko pambili para sa bago

Pahingi po ng mga suggestions:
  • ano magandang materials na gamitin at mura sana or recycled?
    • para sa case ng motherboard, hdd, battery
    • para sa cover ng lcd
  • kung meron pa pong ma-isuggest...


Thank you!
 
May app na pwedeng mag-disable ng sirang key ng keyboard, tapos dugtungan mo na lang ng external keyboard para magamit mo pa rin yung laptop mismo.
 
May app na pwedeng mag-disable ng sirang key ng keyboard, tapos dugtungan mo na lang ng external keyboard para magamit mo pa rin yung laptop mismo.
naiisip ko na po ito, at na consider ko na mas gusto ko na lang gawing pc, dahil...
  • nasira ko na yung home key :D
  • di ko po trip yung may dalawang keyboard
  • gusto ko gumawa ng personal project
  • at pahirapan ang sarili
 
Update: na disassemble ko na yung laptop, pero di ko pa na subukan buksan

DIY1.jpg


inalis ko na yung keyboard at trackpad niya, at may mga parts na nalimutan ko kung para saan at saan nakaconnect
  • balak ko na temporary case/lagayan ay malaking tupperware kaso sobrang init po pag ginagamit
  • lcd: naman gawin monitor gamit controller board
  • speakers: baka discard na lang, mag earphone na lang ako
  • webcam: kahit wala na ito
  • hdd: os isa, storage isa, tsakana mag-upgrade
  • power: di ko alam kung mas maganda na wag na isama battery, naka plug na lang charger, at sa power button - baka po meron iba alternative para buksan yung board?
  • ram: wala po sa pic, pero nakatago lang

!!! need help:
  • pano air flow, dagdag pa ba ako ng cooling system?
  • sa lcd to monitor, di ko alam kung kailangan pa ng power adapter para sa controller board or pwede na siya kumuha ng power sa main board
  • suggestions and advice po

salamat!
 

Attachments

Last edited:
He he. Ako, gumagamit lang ng laptop as portable pc kung nasa field. Pero sa bahay, para siyang desktop using the standard way with external monitor, mouse and keyboard. Pati mga luma kong laptops na wala ng LCD ay ganyan din, basta gumagana pa at pwede to as low as Win95 he he. Hindi ko lang kinakalas kahit putok na yung casing at baka di ko na maibalik sa dati he he. Ginawan ko lang ng stable na patungan or box para intact yung dating layout. Ito lang yung basics:
-USB keyboard, mouse + multiple USB terminal extensions para ibang gamit like external HDD, lan, wifi, soundcard (mic/speaker), webcam, etc.
-TV monitor using VGA or HDMI (para sakop na rin yung audio with any available speakers from old cassettes, etc.). Kung gagamit ka ng dating LCD, hanapin mo na lang yung terminal connections ng power controller nya sa schematic diagram ng laptop model na gamit mo kasama yung iba mo pang pwedeng paganahin. siyempre, may sariling power controller yang LCD iba doon sa supply power sa mainboard.
Ang alam ko may builtin blower yang laptop, pero kung wala na, lagyan mo na lang ng malaking fan/blower sa ilalim (pahigop palabas) at i-monitor mo na lang yung temps using HWMonitor or the like to test its cooling effy - trial and error. Sa mga DIY stores marami nyan maging sa surplus like HMR. Kung wala, magtiyaga ka na lang sa electric fan he he.
Di mo na kailangan yung battery, unless buo pa yung charger unit nya. Sayang din kung mapapakinabangan pa.
Usually ang upgrade talaga ay more ram (16GB pataas) kung Win10+ at lumang generation yung cpu processor.
Kaunting kahoy lang sa platform, pandikit at maliliit na scews ang kailangan mo dyan. Testingin mo muna na ma-boot yung OS at ituloy mo na lang kung ayos gamitin sa minimum bare state.
Siyanga pa. Hanggat maaari ay intact din sa motherboard yung mga original heat***** para makatulong sa cooling.
 

@alist1986, maraming salamat sa inyong pagbabahagi ng kaalaman at karanasan, marami po ako nakuha useful info


katulad ng sa inyo, gusto ko din siya madala sa mga pupuntahan ko at parang pc pag sa bahay
  • ang una ko dapat magawa dito ay ung casing niya
  • for the lcd niya, mas mapapamahal pa ako pag bumili ako ng controller board kaysa pag bumili ng 2nd hand monitor
    • pero kung gusto ko maging portable, mas maganda na controller board na lang (+ powerbank)
    • or benta ko na lang ang lcd and bili ng portable monitor - problem lang dito ay kung meron pa bumibili ng 10-inch na lcd panel
sa battery naman po - malakas pa yan, useful din po siguro for portability kung walang makita outlets
and charger - available pa
for cooling - susundin ko po payo niyo



additional info - super old laptop na po to; naka intel atom; 1gb ddr2, max ram na kaya ay 2gb
for this specs, gagamit po ko ng light weight linux distro:
  • void - 1st option
  • debian - 2nd
  • lubuntu 32-bit version - 3rd, kaso wala ng lts
mga nasa 100-300mb ram po gamit nitong mga ito



!!! kaya po kaya nito maging media player? - connect to tv for movies and series?

sa tingin yun na lang kaya nito compare sa mga bagong technology
  • movies, series
  • docs, spreadsheets
  • yun lang hahaha, siguro games na nasa msdos



at kung meron po dito na nagbabasa at may katanungan kung bakit ko gagawin ito:
  • di ko rin po alam e, hindi ko rin alam kung bakit binili ko pa yung laptop hahaha
  • siguro na-inspire ako gumawa ng diy kakapanood sa yewtuve
    • nagsimula po ito nung naghahanap ako ng way para lagyan ng egpu yung laptop ko (hindi ito diy), kasi hindi ako makalaro ng games na malakas sa graphics
    • tapos napunta ko sa mga diy laptop to pc

salamat po sa pagbasa at pagsubaybay sa project na ito
 
Teka, kung lumang Intel Atom yan (at DDR2 yung ram at hindi DDR3), kadalasan ay wala yang blower dahil halos di umiinit ang cpu nyan sa liit ng power consumption - but any additional cooling helps. Designed for mobile devices kasi sila like android. Kung galing sa netbook series yan, it will not be useful sa ibang mga graphic related tasks sa desktop. Check mo na lang kung hanggang saan pigain yung IGPU (GMA-xxxx). Sa specs. na sinabi mo, talagang minimalistic ang setup sa 32-bit platform para pigain yung 1GB ram. Hanap ka na lang ng best choice sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Downgrade ka sa may features na ibig mong subukan online. Tapos maghanap ka ng site na nagbibigay ng updates sa software dyan. I'm sure it will not be completely useful sa latest sites sa net but mostly other uses you can benefit of. Ibagay mo yung softwares sa OS mo to be fair to the unit.

Pag sobrang lumang pc, best is try to run it with less additional cost and run it to the max level it can attain during its time. Kapain mo kung saan lang yung kaya nya. Mast mahal kasi ang mga lumang piyesang bilhin sa ibibigay na cpu benefit sa present day. It all boils down kung saan mo siya pakinabangan.

Ang best choice talaga sa mini-desktop pero makakahabol sa latest tech is use at least a 3rd gen Intel cpu kahit galing sa laptop series but best choice is cpu for desktops. Kahit 2-core, they still can cope with latest cpu processing of apps, Lakihan nyo lang yung ram. Yung i-graphics nila can still be ok for general use.

But the best cheap choices for higher output on this type of project is use a surplus mini-pc (or even +3rd gen desktop). Yung pinakamura nyan na used is better than any other model of the same price! Sulit bayad mo.
  • less than 3k, may 4th gen ka na mini-pc with 8GB ram at kadalasan ay SSD pa yung HDD, and <5k w/ monitor + accessories or an additional of around 2k)
  • may mga slightly used cpu units na 6th-12th gen na papalo from 5k-11k (for i3, i5 and on rare occasions i7) where some are complete package
Ang problema mo lang yung integrity ng unit. The rest is up to you.
Option lang ito sa hindi makabili ng brand new.
Check ninyo yung benchmarks ng CPU at IGPU para makuha ninyo yung idea para magamit ng husto yung bubuuin ninyo pc. Mini-pc don't usually have an option to add a dedicated GPU unless the casing has space and has pcie slot for it as well as availability of unit - need to to read manuals.

Since nasimulan mo na, ituloy mo na lang he he. Paglaruan mo muna and learn, then wait for a budget and try a better version. Most PCs last long if you run it all the time. Pag matagal yang di makatikim ng power, it easily fades lalo pa kung nakatambak lang kung saan na di ankop sa kanya.
 

Similar threads

Back
Top