What's new

Falling out of Love

Joined
Jan 4, 2019
Posts
159
Reaction
198
Points
118
Guys help naman po. Pano ba tamang pagsasabi sa kanya na wala na ako nararamdaman pagmamahal sa aking asawa? We're married 16 years. Responsable naman sya, good provider. Alam ko naman nobody's perfect. Tanggap ko rin naman na hindi sya sweet, he never kissed me or saying he loves me, kahit nagkakausap kame thru chat, sa loob 16 years hindi ko na matandaan kelan nya ako sinabihan "i love you" Pero masisisi ko ba na mawalan na talaga ako nararamdaman? dahil ba sa hindi ko narin nararamdaman? sabi nga nya " action speaks louder thank words" pero kahit sa actions hindi ko rin nararamdaman 😭. Gusto ko ngayon birthday ko magtapat na ako sa kanya, pa birthday ko na sa sarili ko🤣. Btw Ngayon birthday, i never expect naman ng presence from him, simple greetings and from him ok na ako, sanay na rin naman ako wala, siguro ganun nga lang talaga sya, hindi sweet. Pero a simple greetings galing sa kanya?? wala!!! Hindi na nga ako naghahangad ng kahit ano, pero Yung batiin nya ako ngaun birthday ko hindi ako maalala batiin😭 take note magkasama po kame ha. hindi sya ofw. Gusto ko lang mag share, parang sasabog na ako sa kalungkutan 😭
 
Eh bakit hindi mo kasi i communicate yang mga hinaing mo sa kanya para naman ma aware sya.. ganito kasi yan lalake yan di naman yan manghuhula na kapag naisip nyong mga babae eh instant na dapat alam na namin.. personality nya na yan pwede nya i improve pero hindi nya na pwede baguhin.. kung good provider naman sya eh at maayos na lalake may problema paba dun. Mas pipiliin mo paba yung lalakeng puro éùt lang at romansa pero wala kang kinakain o yung lalaking di sweet pero napapakain ang binuo nyong pamilya
. tsaka naguguluhan ako sa sinasabi mo na gusto mo batiin ka ng mister mo tapos ayan ang sasabihin mo sa kanya na wala kana palang feelings sa kanya.. kulang lang kayo sa pag uusap nyan ts base palang sa sinasabi mo magulo ka mag isip eh
 
tama. alam naman ni ts na ganon pala asawa mo. at sa loob ng 16yrs wala naman siguro iba. bakit sa loob ng 16yrs ngayon mo lang yan hinahanap dapat noon pa hindi kaya ikaw ang may problema/
 
16yrs? omg for me lucky kna na tumagal kayo ng ganyan. kainggit. try nyo baka cool off lang solution nyan. ganyan tlga kase pag araw araw magsasawat magsasawa ka din tlga s a pagmumuka ng kasama mo, pero minsan bumabalik din yan try nyo muna mag cool off muna, pag after a month or more wala pa ding spark, dun nyo ijudge na wla tlga
 
communication is the key po talaga, dadating sa point na mawawalan talaga tayo feelings sa partner natin lalo na pag di nila namemeet yung love language mo. be truthful nalang po, then try nyo padin if may chance paba. pag wala na, need na tanggapin yung katotohanan. fighting po
 
16yrs? omg for me lucky kna na tumagal kayo ng ganyan. kainggit. try nyo baka cool off lang solution nyan. ganyan tlga kase pag araw araw magsasawat magsasawa ka din tlga s a pagmumuka ng kasama mo, pero minsan bumabalik din yan try nyo muna mag cool off muna, pag after a month or more wala pa ding spark, dun nyo ijudge na wla tlga
cool off is not a thing sa magasawa. ang mali lang alam ni ts ganon asawa nya pero nagpakasal tapos mananawa in the long run. maaring ang iba ang love language ng asawa nya
 
🍆 💦 🍑

Pasensya na at nalulungkot ako sa nararamdaman mo. Mukhang ang komunikasyon ay mahalaga sa anumang relasyon, at ang pagpapahayag ng iyong nararamdaman ng tapat at bukas ay maaaring maging magandang simula. Maari mong subukan ang isang malumanay at tapat na usapan sa iyong asawa, iparating kung paano mo nararamdaman at kung ano ang iyong nais mula sa relasyon. Importante na gawin ito na may empatiya at handang makinig sa kanyang pananaw. Kung nahihirapan kang simulan ang ganitong usapan, maaring magtanong ka ng tulong sa isang propesyonal na tagapayo sa relasyon na maaaring makatulong sa pagpapahayag ng inyong mga damdamin. Tandaan, ang pagsusumikap na kumuha ng propesyonal na payo ay isang tanda ng lakas at determinasyon na malampasan ang mga hamon sa isang relasyon.
 
Similar threads

Back
Top