What's new

False Awakening sino na naka Experience Neto?

ganyan din ako noon , pero iba sakin series sya na hinahabol ako ng maligno aswang , gabi gabi naungol daw ako sabi ng parents ko yung tipong gusto mo sumigaw pero wala nalabas sa bibig mo, grabe un katakot matulog

Madalas mangyari sakin to. Ang kaibahan lang siguro, nakokontrol ko yung mga panaginip ko.

Alam ko kung nasa panaginip pa ako.

Pagnagigising ako lagi ko naiisip yung Inception na movie.

Saka isa pa, kapag sobrang intense nung panaginip ko na parang puro takot yung nararamdaman ko, nagP-Pray ako sa panaginip ko. Basta nagpray na ako tapos tinatawag ko name ni Jesus, almost instant nagiging OK ang lahat tapos magigising na ako.


Effective yung prayer tol. As in nakakaamaze sya. Napansin ko lang na kapag nasa panaginip ako, parang mas sincere yung prayer ko kesa gising ako.
regarding this masasabi ko na totoo ito , dahil tumigil yung series ng bangungot ko nong nag dasal ako bago matulog
 
Naranasan nyo na ung nanaginip kayo tas mahuhulog kayo. Tas biglang magigising na parang nahulog din kayo kasi gagalaw ung buong katawan nyo. May nabasa ako sabi huminto daw ang puso nun ng saglit like .5 sec ganun
 
Gusto mo mag reiki session ka. or tinatawag na bar session. may kamahalan pero sulit. money, wealth, health, and travel to 4th dimention ang ginagwa dun. másáráp din ung sacred mushroom. makakalakbay sa din sa 4th dimention. makkarelax ka. maganda to sa mga may antiety depression. pwede mong itanong sa other dimention kung anung purpose mo dito sa earth. at kung sino ka ba tlga in the past. 😊
 
Nung bata ako lagi kong napapanaginipan na may kapangyarihan ako kaya kong palakihin agad yung mga puno, tapos paulit ulit yung panaginip and everytime na umuulit yon sa panaginip ko laging may humahabol na mga dark beings na parang anino na cocorner nila ako lagi sa tulay , nagigising nalang ako kapag malapit nako mahulog or nahulog nako sa tulay. Dahil lagi syang umuulit dumating yung time na alam ko na panaginip lang. Pero di na nangyayari ulit sakin ngayon.
 
Normal lang yan paps. bangungot lang tawag dyan, half gising half tulog ka. alam mo nangyayare s paligid mo pero di ka makagalaw. yung iba namamatay dyan.
 
4 loops?! Parang Inception talaga, boss. Ewan ko kung False Awakening din na-experience ko. Happened to me while I was still in college. So, nagising ako I think pass 1 or 2 am then bumangon pero nakaupo lang ako sa bed. Napansin ko agad, bakit ang hazy ng paligid ko, alam ko yun yung kwarto pero parang gawa sila sa usok, kahit saan ako tumingin. Akala ko nga muta lang😄 then nabaling yung tingin ko sa higaan ko, ayun, nakita ko sarili ko natutulog. 😳 Sobrang takot at taranta ko nahiga ulit ako. Doon na ako nagising ulit at normal na yung paligid. May katrabaho ako dati na ganito din na experience. Same din nakita nya. Malabo at parang gawa sa usok lahat ng bagay, pero sya, naglakad sya at nag try lumabas ng pinto pero lumusot lang kamay nya sa door knob.
 
na experience ko rin yan paps
katatapos ko ng kumain ng lunch tapos inantok ako ng sobra nakatulog ako kaagad, nanaginip ako nagicing tapos din naman makagalaw tapos yun pala nananaginip pa pala ako pinilit ko gimicing
 
na experience ko may babae lumapit sakin at nag salita di ko makita muka nya sabi nya tuturuan daw nya ako how third eye works tapos nun nagsalita na sya diko maintindihan pinagsasabi nya na latin or ano yun pagkatingin ko sa noo nya may mata after nun nag blur na senses ko di na ako makakita at makarinig white lng lahat sa paligid ko at feeling ko may mata na sa noo, sa realidad parang may napapsin na akong kakaiba promise pero di ko sure kung nababaliw lng ba ako
 

Similar threads

Back
Top