Panliligaw or courtship is a risk. 70%-80% of the time nagtatagumpay ang mga panliligaw. Pero tulad nga nyan mukhang may iba pang priority si girl, just try to wait for her. I mean kung hindi ka naman nagmamadali, ipagpatuloy mo pa yung panliligaw mo. Kase sa panliligaw talagang mas lamang ang pag hihintay jan. Then try to understand her. Tsaka bago ka pa lang nanliligaw ts. Actually sa sobrang bago pa lang talagang hindi pa agad sya mag kakainterest. Kase nga diba it takes 2-3 months for a female to develop feelings for a guy and for us, it only take us seconds. So don't try to be pushy, just play it cool.
Advise ko lang, make her more comfortable with you. I mean pwede ka mag joke around, make her laugh etc. Maganda din kung mapupuntahan mo sa bahay nila para atleast alam din ng parents nya na may manliligaw anak nila. Tsaka mas malalaman mo kung ano talagang pinagkakaabalahan nya sa buhay. Mababanggit naman ng parents nya kung may jowa na si girl. Just take your time. After nya sa thesis, yayain mo ulit sya lumabas since that time malamang gusto nya din mag relax.
Tsaka kilalanin mo pa sya. Do the effort to know her more. Pero wag naman sa point na masyado maiinis na sya kase ligwak ka pag ganon. Tas try nyo mag send ng pics sa isa't isa. I mean try to initiate. I mean ikaw naman nanliligaw edi ikaw muna mag effort. Pag okay na sya sayo, gagawa din yan ng effort. Tsaka don't try to rush things. Kase sa nakikita ko sayo ts, parang minamadali mo din sya eh. Parang hindi ka naman ganon ka seryoso. I mean kung seryoso ka talaga, bat mo minamadali then maghahanap ka na agad ng iba kase "parang" hindi sya interesado sayo. What if tinitingnan nya lang of you will stick around a lil longer even though busy sya?