What's new

Help First time kukuha ng TIN (BIR Form 1902)

ceejayramos

Forum Veteran
Elite
Ask lang kung HR ba ang magfi-fill-up sa Part IV ng Form 1902?

At kasama ba sa requirements ang photocopy ng contract?
Job Order/CoS po kasi ako so panibagong contract na naman ngayong January. Kaka-hire ko kasi nung November pero di ko agad naasikaso yung TIN ko. Pero ngayon kasi kelangan ko nang asikasuhin para makapagsubmit na ako ng Sworn Statement for Tax Excemption. Baka kasi ma-tax-an na naman ang sweldo ko ng buong taon eh. Pina-tax-an ko na yung Nov-Dec2022 salary ko kasi talagang wala akong time asikasuhin yung TIN at sworn statement ko.

Tsaka nga po pala sa Part I ng Form 1902, dun sa ID number, National ID kasi ang valid ID ko rito pero masyadong mahaba yung ID # at kulang yung mga boxes, okay lang po ba na i-fit ko siya kahit na sumobra sa mga boxes?

Bukod po rito, anu-ano pa po ang mga requirements?
 
Last edited:
Back
Top