What's new

Reviewer [FREE] Coursehero Unlock #2

Answered by Expert Tutors


A.
1. Ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula na ang matutunghayan ng mga manonood ay tungkol sa kung paano umikot ang buhay ng isang pangunahing babae sa pelikula.
2. Ang kaugnayan nito sa buong kwento ng pelikula ay napakalaki sapagkat ating mapagtanto na sa kabila ng karangalan at karangyaan ng buhay mayroon ang babaeng ito, mayroon pa ring mga bagay na hindi niya makokontrol at hindi kailanman nabibili ng kanyang salapi.

B.
1. Ang mga pangunahing tauhan sa pelikula ay sina Gng. Vilma Santos bilang si Vivian, Bb. Angel Locsin bilang si Jaica, at si G. Xian Lim bilang si Albert.
2. Si Vivian ay isang matagumpay na babae sa industriya na kanyang kinabibilangan at lahat ng karangyaan sa buhay ay taglay na niya. Ngunit sa kabila ng lahat, wala siyang magandang relasyon sa kanyang nag-iisang anak at siya ay nagkaroon ng sakit na cancer sa huli.
Si Albert ay isang matagumpay na anak ni Vivian na wala sa puder ng kanyang ina at hindi siya humahanga sa dito sa dahil marami itong pagkukulang sa kanya.
Si Jaica ay isang magaling na nurse sa isang hospital na siyang iminumungkahi ng namumuno dito na maging private nurse ni Vivian.

C.
1. Ang genre ng pelikula na ito ay comedy-drama.
2. Ito ay isang comedy-drama sapagkat may mga parte ng pelikula na magpapatawa sa manonood at mayroon ding bahagi ng pelikula na mapapaiyak ka sapagkat maraming tao ang maiuugnay sa mga pangyayari sa dito dahil ito ay tungkol din sa relasyon na pampamilya.

D.
1. Ang tema ng pelikulang ito ay tungkol sa pagmamahal. Pagmamahal na hinahanap ng isang ina sa kanyang anak at pagmamahal ng isang anak na hindi mahanap sa kanyang ina.
2. Ang kaugnayan ng chandelier sa buhay ni Vivian Rabaya ay pareho silang makinang at maganda sa mata, ngunit sa likod nito ay naroon ang mga pangyayari sa buhay na hindi nakikita ng maraming tao sapagkat nakatuon lamang sila sa ganda nito. Ang chandelier ay maaari ring naging ilaw sa buhay ni Vivian para maliwanagan ang kanyang pagkatao sa totoong halaga ng buhay.

E.
1. Para sa akin, Oo, mahusay na napamahalaan ng direktor ang kanyang tungkulin upang maiparating ang tunay na mensahe ng pelikula.
2. Masasabing mahusay ang direktor sa pelikulang napanood dahil sadyang kaabang-abang ang bawat eksena na mapapanood. Mararamdaman mo ang saya at lungkot sa mensahe na ibinahagi dito sapagkat hindi malayo sa totoong buhay ang mga pangyayari. Ang pagpalo sa 209 million pesos box office hit ang magpapatunay na mararaming manonood ang nahumaling sa ganda ng pelikulang ito.
Step-by-step explanation
Nanood ng pelikula, isinapuso, at sinagot ang mga katanungan.
 
Back
Top