What's new

Help GCash App Problem

l-larmonY

Forum Veteran
Elite
Patulong naman baka may iba ng naka experience nito at nagawan ng paraan.

Problem: Nawawala yung GCash app sa mismong drawer ng apps pero pag visit mo sa Settings > App Management, installed naman. Pag check ko sa playstore, installed din naman. Wala akong way na iopen sya kahit from playstore. Di ba usually after mag install or kahit installed na yung apps may option na iopen don, sakin wala.

Troubleshooting steps na ginawa ko na:
1. Uninstall > Reinstall
2. Phone Restart

Ang phone ko po ay Xiaomi 12T Pro, naka MUI 14. Pumunta ako sa second space ng phone ko wherein installed din ang gcash, gumagana naman don, at di nawawala. Bumalik ako sa main phone ko pero wala parin up until now. Nagamit ko pa sya kaninang 10am pero pag check ko bandang 7pm wala na.

Any help or suggestions pano ifix to? TYIA
 
Mukhang frustrating ang sitwasyon mo ngayon. Ang ilang mga posibleng solusyon na maaari mong subukan ay ang mga sumusunod:

1. I-clear ang cache at data ng GCash app: Pumunta sa Settings > App Management > GCash > Storage > Clear cache at Clear data. Pagkatapos nito, subukan mong i-open muli ang app.

2. I-update ang GCash app: Siguraduhin na ang iyong GCash app ay nasa pinakabagong bersyon. I-check ito sa Google Play Store at i-update kung kinakailangan.

3. I-check ang mga pribilehiyo sa app: Pumunta sa Settings > App Management > GCash > Permissions at tiyakin na binigyan ng pribilehiyo ang app na ma-access ang mga kinakailangang pag-andar.

4. I-reset ang iyong device preferences: Pumunta sa Settings > System > Reset > Reset app preferences. Ito ay magre-reset ng mga default na mga setting para sa iyong apps, at maaaring makatulong sa pagbalik ng GCash app sa iyong main drawer.

Kung hindi pa rin gumagana ang mga solusyon na ito, maaaring subukan mong i-contact ang suporta ng GCash upang magreport ng problemang ito. Maaaring sila ay may kaalaman tungkol sa partikular na isyu na iyong kinakaharap at maaari kang matulungan sa iyong mga sumusunod na hakbang.

Sana makatulong ito at maibalik mo ang GCash app sa iyong main drawer.
 
nangyari na sakin yan i-unstall ko tas inoff ko muna yung phone mga 10mins tapos install ulit
may nabasa ako paps about sa developer option na di na daw ma clone ung gcash this past update. So inuninstall ko yung nasa 2nd space, ayun working na sya. Di ko sure if yun tlaga reason hahaha but at least working na.
 

Similar threads

Back
Top