What's new

Help Gcash Modus

Khaleesi22

Forum Veteran
Established
Joined
Aug 9, 2019
Posts
706
Reaction
95
Points
586
Hi po may nakakaalam po ba paano makikita ung list ng mga log in devices sa gcash po? Nanakawan kasi kami malaking halaga mukhang may naglog in sa ibang phone. Baka po may alam kayong way paano po salamat.
 
hala diba nag ootp po yun sir bago nila malog-in ? or nakalimutan nyo po ba ilog out sa ibang phone?

tska check mo yan sir sa Transaction History, makikita po dun kung anong number, date and time pinasa yung pera nyo po sa iba
 
pag other phone kasi hihingi pa iyon sa iyo ng permission

baka yang phone mo mismo ang ginamit
 
Baka may gumamit ng phone mo diyan paps ayako mag bintang ha pero baka may malikot Ang kamay na nakatira diyan sa inyo or nakapasok. Kase bago magakapag log in sa ibang phone need ng OTP e sa sobrang higpit ni gcash Hindi na Basta basta malog in sa ibang phone yun
 
Ginagawa po namin pang negosyo ung gcash po. Mukhang naisahan kami ng tatlong lalaki magkakasabwat pagcheck po namin cctv. Ung bantay po kasi nun bata lang tas ang eksena nun narereturn daw po ang load kaya hiniram ang phone sa bata kaya siguro nalaman ang otp

Pagcheck din po namin sa messages may nagtext nga po sa phone ng otp sa gcash bandang ganung oras
 
pakulong nyo
 
Kung may malaking amount po yung gcash bakit pinapaubaya ninyo sa bata. Kung visible naman ang pagkakuha ng cctv you may use that as a proof kapag nag reklamo ka, check mo transaction details ng gcash mo makikita dun yung mga previous transaction.
 
Similar threads

Back
Top