What's new

Help Help about sa pusa pasok kayo mga lot

1sc4r10t

Forum Veteran
Elite
Joined
May 2, 2016
Posts
2,133
Solutions
8
Reaction
1,237
Points
829
May 4 year old na pusa ako eh, sa bahay lang hindi lumalabas. Kaso nung march 6 ng umaga paggising namin napansin namin namamaga yung kanang pisngi, kapag kinapa mo parang bukol na malambot. Medyo wala rin gana kumain eh kaya purong isda na lang ang pinakain namin tsaka karne. Baka may naka-experience na sa pusa niyo ng ganito mga tol patulong naman. Hindi lang kami makapuntang vet wala akong work eh gipitan. Maraming salamat mga lot.
 
Wala man ako ma-suggest but need mo talagang dalhin yan sa vet, maybe cyst/cancer or any ilness similar to humans ang case niya. For me need mo gastusan at for sure may x-ray if di malaman ang dahilan ng pamamaga.
 
Once kasi na nang hina at di na naka kain yung kahit pet paps, dun sila namamatay. pero pag nakaka kain pa naman, try mo muna e google yung bukol try mo nalang e english pag nag search ka para may lalabas na mga problem at solution jan paps
 
Maraming salamat sa reply mga lot. Negative lang talaga kasi sa vet eh. Ang nangyari, nung lunes ng gabi nakita ko puro dugo yung higaan niya tas nakayuko lang siya. Akala ko nagsuka na, ayun pala parang kinamot niya yung bukol tas nagsugat. Ayun lumabas yung parang mixture ng tubig at dugo. Tas nilinis lang namin yung higaan niya kasi hindi pa namin siya mahawakan hostile pa baka mangalmot bigla. Kagabi nakakain na naman siya, medyo masigla na uli. Tuloy tuloy lang na linis para hindi magkaroon ng infection. Maraming salamat sa sagot niyo mga tol, solid talaga dito.
 
Nagkaroon din ng bukol yun isang pusa namin sa ibaba ng bibig niya. During checkup sa vet ang findings ay parang kinagat daw ng langgam. To rule out infection pina-inom lang ng antibacterial yun pusa namin. Okay na siya ngayon. :D
 
Back
Top