Naku. Ang normal way to maintain health is to do an annual physical and medical exam lalo pa kung parati kayong may nararamdamang sakit, like x-ray, blood tests, urine tests, BMI, disease screening, etc.. Consult your doctor for the possible tests you need. Ako, taun-taon may x-ray, blood at urine tests kahit wala akong nararamdaman. Gawin ninyong regular health exams and tests yan para sa sarili ninyo. You need it as you grow older.
Ang norm kung hindi kayo satisfied sa analysis at prescription ng duktor is find another one for 2nd or third opinion hanggang makuha na yung solusyon sa sakit ninyo. ASAP yan, hindi kung malala na.
Ang mga steroid inhalers ay ginagamit para makahinga kayo ng maluwag especially doon sa mga may asthma attacks o hirap huminga or kung ang prognosis ng duktor is chronic obstructive pulmonary disease (COPD) flares. Lung related yan na makikita rin sa x-ray/ct scan kung kinakailangan. Kung magaling yung duktor, stethoscope lang kuha na nya yan. May time na inaatake din ako nyan sa sobrang paninigarilyo or some respiratory allergy. Wala yang cure maging ang asthma. Maintenance lang thru meds during random attacks. Kung long-term na yan seek advice agad. Baka makuha sa oxygen therapy or surgery.
Mahirap ang ubo ng ubo. Kaya tayo halos manghihimatay ay dahil nawawalan ng dugo yung ating brain during this event. It's a natural thing to happen, kaya huwag ninyong patagalin or else magkaroon kayo ng complications.