What's new

How to control your temper

StrayDog

Addict
Joined
Mar 31, 2021
Posts
65
Reaction
10
Points
89
How to control your temper? Specially when it comes to relationships argument?
 
Same issue po ba?
minsan may anger issue ako. pero bihira lang naman na ganun na maypagtatalo samin ng ex partner ko pag dumadating kase sa point na ganun ako na lang ang tumatahimik o hindi umiimik tapos, mahirap kase kung makikipag sabayan ka ng pride or galit ng isa, ginagawa ko lalabas muna magpapahangin din pagbalik ko ayun okay na ulit kalmado na mag-usap baka umubra sayo.
 
minsan may anger issue ako. pero bihira lang naman na ganun na maypagtatalo samin ng ex partner ko pag dumadating kase sa point na ganun ako na lang ang tumatahimik o hindi umiimik tapos, mahirap kase kung makikipag sabayan ka ng pride or galit ng isa, ginagawa ko lalabas muna magpapahangin din pagbalik ko ayun okay na ulit kalmado na mag-usap baka umubra sayo.
ang galing nman po parang nag overheat lng po xa tapos pwde na ulit isindi hahaja
 
Laro ka offline games, isa na yan. Kung coffee lover ka, magkape ka.
Kung magkasama kayo ngayon as in personals, wag na wag mo siyang sisigawan instead humanap ka ng masisigawan, kwarto mo o punta ka sa ibang lugar at kung narinig niya at tinanong ka kung anong ginawa mo, just confess na mas mainam na mag-isa muna at ilabas yung galit sa kapaligiran kaysa sa gf/bf mo sabay hinga ng malinis at malamig na simoy ng hangin. Nakakatulong kasi yan.
Kung naiinis ka, kumuha ka ng ballpen at papel at dun mo isulat yung hinanakit mo, pagkatapos pwede mong sunugin, itapon, o punitin, nakakabawas yun ng galit.
O yakapin mo parents mo, o siya habang mahinahong ilabas lahat ng problema mapa-sa inyo man dalawa o hindi. Wag mong itago yan at hahayaang sasabog kasi mas lalala lang yung sitwasyon.
O magpaalam ka muna kahit ilang oras man lang, at matulog. O magpahinga ng ilang araw kung kritikal man yung problemang yan, pero dapat pansinin mo parin siya syempre.
May anger issues at sobang lala ng bipolar ko pero sa tagal ng panahon na meron ako nito, unti-unting nakokontrol ko naman. Ako nga na may problema ako sa mental health ko kaya ko naman, ikaw pa kaya.

Argument in relationships are not healthy actually. Si paps and mom nag-aaway naman, nagtatampuhan pero isang araw, dalawa o kalahati bati na sila kahit anong klase o tensyon ng problema na hinaharap nila. At hindi sila nagtatalunan sa relasyon nila which is I'm proud of, proud na maging parents nila. Wag pairalin yung ganyang bagay TS, minsan sa ganyang rason kung hindi ka marunong humawak ng sitwasyon na meron ka, na meron kayo baka yan pa yung rason kung bakit magkakalamat yung relason niyo. Sa tuwing nag-aargumento kayo diyan at walang pagkakaunawaan o adjustment man lang kahit pagtitiis sa inyong dalawa, mas lumalala lang yan. Promise.
 
Last edited:
Yan din problema ko mga paps, actually nangyari lang kanina. Nagsisisigaw ako, after niyang magbaba ng call. As in don ko binuhos tapos napag-alaman ko na, mali pala ginawa ko. Minsan may time na nakokontrol natin, minsan hindi, depende sa problema lalo na sa partner.

Mas mahirap don paps kapag di ka nakinig, makinig ka sa sinasabi niya, as in yes kahit masakit sa damdamin na mas superior siya sayo. Doon niya lang nafefeel na malakas siya kaya minsan gusto niya tama siya. Kung babae naman, mas ok iintindihin mo partner mo, baka kasi kulang ka don. Learn to listen to each other, wag puro taasan or babaan. Kung isa sa inyo mapride, try things na makakapagrealize sayo. Lagi mong tatandaan: makinig, intindihin, balikan at marunong magpatawad.
 
para sakin simple di mo kelangan makipag argue, magpakumbaba kalang at intindihin mo kung anu man yung ipinaglalaban nya kahit minsan alam mong mali, tapus ikaw na mismo magpakita ng adjustment, pakita mo na open minded/malawak pang unawa mo, antayin mong matapus yung pinaka problema nya na pinaparating/hinaing/problema nya, pag humupa na, saka mo sabihin yung side mo in a peacefull way na yung tipong, mahinahon ka lang, di ko sinasabing nag mamagaling ako, pero tried n tested ko na sa mga naging karelasyon ko hanggang sa naging asawa ko,,
 
Pahinga lng kailangan nyan lods. Bka naman kasi loaded na kau masyado sa mga kinaabalahan niyo. Baka naman kasi kulang na kayo sa bonding moments.

Wla naman kasing relasyon na walang arguments kasi habang tumatagal nakikilala niyo ang isa't isa. Natural lng yn. It's a part of a growing relationship.

Always keep mind lng na no matter what happens, you are there for each other.

Kung gusto mong umiwas sa argument.
Stay silent, pakinggan mo at intindihin mo yung argument. Saka ka mag paliwanag ng malumanay.

Iwas verbal clash pra magkaintindihan kau at di lumala.

Payo yan ng 3 years and counting single guy. Hehehe
 
I really appreciate lahat ng nag comment , ive been really working so hard para maging maayos ang behaviour ko, may times na gusto ko na sumabog pero dun ko pala dapat sanayin sarili ko na WAG

at walang patutunguhan worst lalala ng hidwaan
 
Back
Top