What's new

How to quit sa paninigarilyo?

Najida

Eternal Poster
Ask ko lang if meron po ba ditong mga dating naninigarilyo? Paano nyo ba nahinto ? natural way sana Any tips and tricks paano mahihinto .Naninigarilyo kasi since high school days ko pa mga 14 yrs old ata ako nagstart hanggang sa nag college ako mas naging malala pa tapos nagwork ako medyo nag nabawasan ng kaunti pero andon parin di ko kaya di manigarilyo sa isang araw bago maligo , habang nasa CR gustong gusto ko na alisin kaso everytime na stressed ako di ko maiwasan na hindi mag yosi .Gusto ko sana tangalin nato kaso ang hirap hirap 😥
 
Grabe pagiging heavy smoker ko noon, three (3)packs or more a day. Ibig sabihin 60 *********s a day! Noon yon, kasi nag-stop na ako using "cold turkey method" biglang hinto lang pagkatapos ipanganak yung anak namin na ngayon ay 18 yrs old na at ganoon na rin ako katagal hindi nagyoyosi. Yes, may physical at emotional side effects ang biglang pagtigil which inludes, chest pain, paglalaway, skin rashes (sometimes) atbp. I-share ko lang na kasi may nabasa ako noon na ang cravings sa pagyosi ay mga 5 minutes lang at pag nalampasan mo yon ay unti-unti mawawala ang deisre mo magyosi at epektibo sa akin. Sa ngayon 18 yrs mahigit na ako di naninigarilyo. Thanks ts
 
hello paps. Nice question/thread to. Share ko lang, nasa sitwasyon ako ngayon ng pagtigil ng yosi🙂 2nd year highschool ako nagstart magsigarilyo, hindi ko na ikkwento kung bakit. Lol. Ngtuloy-tuloy paninigarilyo ko for almost 11 YEARS. Yes, 11 years! highschool, college, buhay tambay, hanggang nagkaroon na ako ng trabaho, asawa at anak. (Pati na din kabet)🤣 Joke.
Tulad mo paps, sobrang tagal ko ng gusto itigil. I tried so many times, many ways. Nanuod na ako ng kung ano anong paraan, naghanap na ako ng pwede panakip butas, home remedies. As in lahat ginagawa ko na. LAHAT NG YAN after 1 week lang jusko balik ako sa yoai, sobrang-triggered manigarilyo. The Hell🤦 walang dedication, kulang sa respeto sa sarili, walang isang salita. Niloloko sarili. Mahina.
Pero isang araw gumising nalang ako ng buo loob, until this very day paps. Itong January lang, ni-recommend ako ng tropa na gumamit ng V@PE🧡 Hindi masama magtry, kahit nahihiya ako dahil wala ako alam sa ganyan. Pero sinubukan ko (try to explore about sa v@pe paps)
As of now mag 1 MONTH NA AKO HINDI NANINIGARILYO❣️ gamit ko ngayon ay V@PE PODS lang, no hassle .easy to use.
Yun lang ts. Baka maiyak pa ako dito hahahah .salamat
 
try mo ginawa ko, nalaman ko kasi na ang cravings ng isang tao na magyosi after kumain, magkape o bastaanytime na sumpungin ng cravings ay 5 minutes lang itinatagal. Try mo malampasan yung 5 minutes na yon at hindi mo na hahanapin ang sigarilyo. Subok ko na!
 
Ako din matagal na ko naninigarilyo , pero ngaun hindi na hehehe, may naramdaman kasi ako sa lalamunan ko na prang sumasakit kaya tinigil ko sya , try mo din manood sa YøùTùbé mga epekto ng matagal na paninigarilyo , mas lalong natakot ako nung nalaman ko ung emphysema hindi pla un gumagaling pg nadapuan ka nun..
 
depende yan sa akin na ninigarilyo ako noon, pero nawala din sa akin di ko feel yung pag ka addict sa yosi busy talaga yung buhay ko maraming gawin kaya nakalimutan ko ang pag yoyosi. yung sa pinsan ko na addict talaga siya sabi daw niya huwaw daw kapag walang sigarilyo sa buhay niya.

isipin mo nalng yung sigarilyo na makasama sa kalusugan. yan din ang napaisip ko noon. nood ng mga symtomas. kaya natatakot ako baka ganyan.
 
how to quit ? EZ isipin mo pamilya mo. gawin mo silang motivation para tuluyan mong makalimutan ang iyong bisyo 🙂
 
Simple. Kapag gusto talaga kaya mo kahit walang tulong na iba. Ako naninigarilyo for 9 years naitigil ko naman kasi gusto ko. Sarili mo lang din makakatulong sayo idol.
 
ako mga lods natigil ko na manigarilyo.pero tobbaco nmn ginanagamit ko ngyon.hehe madami kse dto sa probinsya.🤣
IMG20210220200854.jpg
 

Attachments

Madali lang lods isipin mo kung gaano kahirap ang buhay para lang ipambili ng yosi mag set ka ng goal mo sa buhay na gusto mo makuha at habang iniisip mo mga goals mo sigurado mawawalan ka ng time sa bisyo at mas mag se save ka ng pera para sa goals mo at masasayangan ka na sa ibibili mo ng yosi mas paglaanan ng oras yung ikakabuti ng buhay mo for sure makakalimuta mo mag yosi haha
 
for me lods its not addiction its habitual payo ko bago mo sindihan ung yosi mo isipin mo ulit kung gusto mo pa bang mag yosi o hindi. ganun yung ginawa ko para mag stop sa yosi im already 26 going 27 this feb 25 at 5 years na akong hindi nagyoyosi hahaha! nakatulong sakin ng malaki ung ganyan mind set para hindi ko na maging habit ulit ung pagyoyosi. marami pang ibang ways lods para itigil sya :D
 
Share ko lang. Ramdam na ramdam kita ts at yung iba din jan na hirap talagang tumigil. Yung sana'y pwede mong ibalik yung oras para di mo na natikman kasi ang hirap2x tigilan. Hahaha


Day 3 ko na ngayon tumigil mag yosi. Grabe yung cravings. Parang gusto ko talagang pumunta ng tindahan para bumili ng yosi. Hahaha ilang beses na din akong nagtangkang tumigil magyosi pero bigo talaga ako. Pero sinusubukan ko pa din. Sana maging matibay at tuloy2x na. 🥰 Nagpapakabusy nalang din ako mag-aral at ibaling sa ibang atensyon pag naiisip ko yung yosi.
 

Similar threads

Back
Top