What's new

Closed Huling sayaw

Status
Not open for further replies.

thatsjustkib

Honorary Poster
Joined
Oct 10, 2017
Posts
255
Reaction
62
Points
162
Welcome party nila Ema ngayong dito sa bahay nila, or mansyon kung tawagin, darating kasi ang kanyang mama galing america, nahiya tuloy ako sa baduy kong suot. Ansarap siguro mamuhay ng kagaya ng estado nya sa buhay, yung tipong assignment nalang ang iintindihin pagkagaling sa eskwela.

Hindi ko namalayan na nakakarami na pala ako ng inom, at si Ema naman ay abala sa pakikipag usap sa kanyang mga mayayamang bisita.

"mag isa ka ata?", biglang upo sa tabi ko na biglang nagpabalik ng ulirat ko sa totoong mundo mula sa aking imahinasyon.
"ngayon dalawa na tayo", pabiro ko, na syang nakapag pangiti sa kanyang mga labi.

"unfair ng buhay no?", sabay ikot sa baso na may laman na yelo.
"bakit naman?, diba nga umuusad na ang company nyo?", balik ni Ema sakin na nakatitig parin sa mukha ko.
"ganyan na talaga siguro ang buhay.", walang kwenta kong tugon.
"it should not be like that, paano mo mababago ang buhay mo kung palagi ka nalang dumedepende sa nakaraan mo?", kung gaano kaiksi ang aking sagot ay sya namang haba ng sakanya.
"ema, please wag na nating pag usapan yan", nakita nya ang mukha ko na biglang kumunot at para bang bumagsak ang lahat.
"no! Kung palagi mong tatakasan yan, lalong hahabulin ka ng takot, because once you learn to escape, you are just adding your mistakes!", kitang kita sakanya ang pagiging concern nya sa akin.

Medyo matagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa, kahit na malakas ang party-music ay para bang hindì kayang abutin ng aking mga tenga.

"Kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang iwanan kami ng aking ina pagkatapos akong ipanganak, at maliban sa isang litrato ay wala na syang iniwang ibang bakas ng kanyang pagiging nanay?. Masakit sa akin ang ginawa nya. Kaya nagpursige akong mag aral para maipakita ko sakanya pag nagkita kami kung anu na ang narating ko.", huli na ng mamalayan kong pinupunasan na ni Ema ang likidong tumutulo at dumadaan sa aking pisngi.

"wag kanang malungkot, andito ako para sayo".
"panung hindi ako malulungkot?, ang magiging pamilya ng aking ina ay isusumpa ko at kakamuhian ko habang buhay", sabay tagay ng kakalagay lamang na alak sa baso.
"Wag namang ganyan ooh.", pilit nya ngunit bigla kong pinutol at sinabing
"wag mo ako pangaralan please, mas matanda ako sayo.", natameme sya at yumuko, inaasahan ko ang yakap nya ngunit bigo nanaman ako, lagi nalang. Lagi nalang bigo pagdating sakanya. Ewan ko ba kung bakit nagustuhan ko si Ema.

"tara sayaw tayo.", anyaya nya.
"tara.".

Matagal ko ng gusto si Ema simula nuong magkaklase kami sa isang unibersidad. Dahil sa problema ko sa pamilya at sa nanay ko ay naging kaklase ko sya dahil sa mga subject na naiwan ko. Natapos na nya ang engineering at natapos ko narin ang kurso kong bus.Administration. Pero natapos na ang lahat ngunit di parin ako nakapagtapat sakanya.

Dala ng alak ay bumunot ako ng isang rosas sa kanilang hardin at saka pumasok sa sala upang sumayaw. Ngayon mismo ako magtatapat sakanya.

Nasa kalagitnaan na ng kanta at abala kami sa pagsayaw ng biglang may dumating na kotse.
"andito na sila, fix yourself.", payo nya at dumeretso ako ng banyo para ayusin at maging presentable ako .
Masaya akong lumabas ng banyo sapagkat nakuha ko na ang 'Oo' ni Ema, at ipapakilala nya na ako sa mama nya bilang boyfriend nya.

Dinukot ko ang aking walet at tinignan ang itsura ng aking ina, ipapakita ko sakanya na hindi ko gagawin ang ginawa nya sa amin ni papa. Hindi ko iiwan ang pamilya ko.

Huminga ng malalim at saka bumalik ng sala. Nag aabang si Ema sa may pintuan kasama ang kadarating nyang mga bisita.

"ma, si Justine Yup, CEO ng Philippine Bank, boyfriend ko, Justine, si mama", halos pagpawisan ako ng iabot ko ang kamay ko sa mama ni Ema, hindi ko alam pero parang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan at bigla akong nag walk out. Sinundan ako ni Ema na may halong pagkalito sa kanyang mukha.

"justine! justine! Anu bang problema?", habang hinahabol ako.

Huminto. Humarap at ako'y nagtapat. "hindi tayo pwede".

"but why? Bakit? Kakasagot ko nga lang sayo diba?", litong lito parin ang kanyang mukha.
Nilabas ko ang walet ko at pinakita ang litrato na medyo kupas na.

"Dahil hindi ko pwedeng maging girlfriend ang sarili kong kapatid".

Tulala at hinakbang ang paa papuntang kotse.

"buhay nga naman, kahit kalimutan ang nakaraan, babalik at balik yan".

Headsdown..

Teardrops....
-end.
 
Binibigyan ko kasi ng respeto ang bawat isa dito sa forum parang isang pamilya lang tayo dito na dapat magtulungan at mag kapit bisig para sa magandang samahan at kalalabasan ng mabuting pagsasamahan boom ;)
 
K I N J A Z said:
Nga naman. Btw, keep it up hahaha. Pinapabilib mko.

maraming salamat po kung ganun.


PC-Decrypt said:
Binibigyan ko kasi ng respeto ang bawat isa dito sa forum parang isang pamilya lang tayo dito na dapat magtulungan at mag kapit bisig para sa magandang samahan at kalalabasan ng mabuting pagsasamahan boom ;)


Amen!!
 
K I N J A Z haha papa ka active ako ng maging establish nadin ako hehe. Andamo n kasong nagtatanong bakit di raw ako establish sabi ko new member lang all ning Oct 3 lang haha. Ayaw nila maniwala kaya lahat Dina daan ko nalang sa pagiging active dito. Ma's madam I pa ako makikilalng new friends.
 
K I N J A Z haha papa ka active ako ng maging establish nadin ako hehe. Andamo n kasong nagtatanong bakit di raw ako establish sabi ko new member lang all ning Oct 3 lang haha. Ayaw nila maniwala kaya lahat Dina daan ko nalang sa pagiging active dito. Ma's madam I pa ako makikilalng new friends.
Yeah. Haha nakikita naman sa profile kung kelan ka pumasok sa forum.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 15
    Replies
  • 787
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
Jmrie_

Online statistics

Members online
747
Guests online
5,965
Total visitors
6,712
Back
Top