What's new

Closed I believe

Status
Not open for further replies.

thatsjustkib

Honorary Poster
Joined
Oct 10, 2017
Posts
255
Reaction
62
Points
162
Halos dalawang oras ko ng pinakikinggan ang kantang di ko naman maintindihan kung anu ang sinasabi pagkat ibang lenggwahe ang ginamit.

Inilapag ko ang aking telepono sa mesa habang tumutogtog ng paulit-ulit. Pinag-abot ang dalawang kamay at saka nilagay sa batok at tuluyang ihiniga ang aking katawan sa aking kama na ngayon ko lang ulit nakita pagkaraan ng tatlong araw.

Tatlong araw na palang di ako umuwi ng dahil lang sa isang taong di ko kakilala. Mas madalas ko pang marinig ang talak ni nanay kapag umuwi ako at hindi sa gate dumaan kesa sa kama ko na palagi kong inuuwian.

"hindi ka nanaman pumunta sa ate mo", palaging sermon sa akin kapag umuuwi ako.
"ma, di po ako interesado", iritado kong sagot at isang batok nanaman ang dumampi sa akin galing kay nanay.

Hindi ko alam kung desperado na ba akong magka-girlfriend dahil pati lasing sa kalsada ay pinag uubusan ko ng gahol kong oras.Ewan ko kung gentleman ako dahil hinila ko sya para mapaatras sya at hindi matagis ng jeep. Nakasabayan ko sya sa jeep na lango sa alak at parang walang paki-alam sa mundo, napakababaeng tao ay lasenggera. Sumuka sya sa akin kaya naman nairita ako sakanya. Pinagtinginan tuloy ako ng mga tao sa jeep at inisip ng kanilang maruruming utak na girlfriend ko ang babaeng to dahil nakasandal sa aking balikat. Malas. Tumahimik lang ako.

Hindi ako mapakali at di makapag isip sapagkat konsensya ko kapag iniwan ko to, di naman pwede sa bahay dahil baka mabato pa ko ng arenola ni nanay. Bahala na. May laman pa naman ang walet ko.
Dinala ko sya sa isang simpleng hotel para naman makapag-pahinga sya. Pinagmamasdan ko lang sya habang tulog. Ang ganda nya,kaso lasengga. Malaki siguro ang problema.

Pagkatapos ng gabing iyon ay nakatanggap ako ng isang tawag na super unusual, dahil mas madalas pa ako mag birthday kesa may tumawag sa akin.

"coffee shop greenhills , 8am sharp." babae sa kabilang linya.
"sino to?", di ko pa tapos ang tanong ay namatay na. Minsan na nga lang sa sampung taon ang may tumawag tapus di pa ako nakasagot ng maayos.

Tinititigan ko sya habang hinihigop ang kape.
"anung nangyari kagabi?", pambungad sa akin na tanong sa tonong parang pumatay ako ng tao.
"lasing ka, di ko alam bahay nyo kaya dinala kita duon." depensa ko sa atake nya. At ang sumunod ay isang ngiti na walang kasingsarap halikan sapagkat nakita ko nanaman ang maganda nyang mukha.
"ako nga pala si Johan", sabay abot ko ng aking kanang kamay ngunit di nya ito tinanggap. Kaya napilitan akong ipunas nalang sa aking slacks.
"bayaran mo.", paktay!. Ako ang pina-order nya tapus ako pala magbabayad sa kape. Mga babae talaga.

Pagkatapus magkape ay pumunta kami sa isang bar, ewan ko ulit kung bakit sumunod ako sakanya, tinalaban ata ako ng kanta ni Abra. Tinanong ko kung anu gagawin namin. Sagot nya ay ngiti at tila hinila ako ng wireless kaya napasunod ulit ako sakanya. Habang tinutungga ang tubig na may masamang kaluluwa ay naikwento nya na kakahiwalay lang nila ng boyfriend nya. Feel ko tuloy naging panakip-butas ako. Nalasing nanaman sya at hayun, sa hotel nanaman ang bagsak namin. Deretso at wala nanaman akong tulog, talo ko pa ang studyanteng nag-rush ng thesis. Pero tila di ko maipaliwanag ang sigla na nararamdaman ko. Gusto ko sya pero ayaw ko ng lasengga. Bahala na.

Kinabukasan ay nagpaalam na sya at wag daw akong susunod kung gusto ko pang mabuhay. Pinabayaan ko sya dahil gusto ko pa kumain ng ramen at ayoko pa madeds.

Ilang araw na wala akong natanggap na tawag mula kay, ay oo nga pala, di ko pa natanong pangalan nya.

...

Halos dalawang oras ko ng pinakikinggan ang kantang di ko naman maintindihan kung anu ang sinasabi pagkat ibang lenggwahe ang ginamit.

Inilapag ko ang aking telepono sa mesa habang tumutogtog ng paulit-ulit. Pinag-abot ang dalawang kamay at saka nilagay sa batok at tuluyang ihiniga ang aking katawan sa aking kama na ngayon ko lang ulit nakita pagkaraan ng tatlong araw.

Nagbihis na ako at napagpasyahan ko ng pumunta kay ate at may surprise daw sa akin.
narating ko naman ng maayos ang venue suot ang faded jeans at levis na polo shirt. Nadatnan ko sya na may kasamang babae.
"Mae , meet my brother Johan," panguna ni ate. Di ko maiwasang tumingin sa maganda nyang mukha at para akong nakaramdam ng gayuma.

Sa pangalawang pagkakataon ay naipunas ko nanaman ang aking palad sa aking slacks.

"di ba sabi ko wag ka susunod?".
"ah eh, sensya na",

*batok*

-end
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 14
    Replies
  • 820
    Views
  • 6
    Participants
Last reply from:
sannykim2615

Online statistics

Members online
509
Guests online
5,339
Total visitors
5,848
Back
Top