What's new

Poems Inlove Na Sayo

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,999
Solutions
6
Reaction
66,551
Points
16,665
Ano ba naman to ,napaglalaruan na naman ni Kopido,
simula ng magkausap tayo puso ko'y nabihag mo ng todo,
minu- minuto ikaw lang ang nais makita at masulyapan
bawat oras di ka na nawawala sa aking isipan.

Akala ko'y hanggad mo lang makipag kaibigan
nagulat ako nuong sinabi mong ako'y iyong liligawan,
di alam ang isasagot ,nauutal natatakot,
pero batid naman nag aking damdamin
na sayo ako din ay may pagtingin.

Mga araw at gabi ang lumipas,
pagsuyo mo sa akin ay sadyang di kumukupas,
Tanong sa sarili,"ba't ko pa patatagalin?
kung ikaw lang din ang aking pipiliin?

Kay ganda talaga ng may nagmamahal sayo
lalo na yung marunong sumuyo sa tuwing ika'y nagtatampo,
kay saya naman kapag may taong laging nariyan,
at mananatiling magmamahal sayo ngayon at kailanman.





❤️~Professora Akira~
❤️
 

About this Thread

  • 14
    Replies
  • 597
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
Professora Akira

Online statistics

Members online
1,128
Guests online
4,381
Total visitors
5,509
Back
Top