walangforever
Eternal Poster
- Joined
- Oct 1, 2016
- Posts
- 722
- Reaction
- 610
- Points
- 299
Umay na masyado magbasa ng mga sad post sa fb at qoutation na nakakadulot lang lalo ng lungkot sa tao. Okay din naman makinig ng mga music na nakakapagaan ng loob kapag nalulungkot, pero para sakin ang taong nalulungkot dahil naaawa sa sitwasyon ng buhay niya at nauuwi sa depression ay napakahina pa para mamuhay sa mundong to. Sa panahon ngayon ang tunay na kaduwagan ay yung taong naaawa sa kanyang sarili. Kaya kung ikaw ay ganito, hindi mo dapat iniisip na dahil nandiyan ka sa kalagayan mong yan ay malulungkot ka nalang palagi at gabi gabing iiyak. Ano man yung dinadala ng tao at nagdudulot sa kanya ng kalungkutan naaapektuhan nito lahat maparelasyon sa pagtatrabaho at pagaaral. Tandaan niyo mga idol na ang kaduwagan ay kasalanan at nakakasira din ng pangarap at layunin na gustong abutin. Sa halip maawa ka sa sarili mo, disiplinahin mo nalang ang sarili na ayusin ang buhay at magpatuloy sa hinaharap. Mas masayang matapos ang buhay kapag marami kang maiiwan na magandang ala-ala sa kahapon...