Malabo yan lods, hindi siya exactly îllégâl (well, kung kay PLDT yan, bawal ang ganyan, nakalagay sa T&Cs nila. Kay GFiber, not sure kung may nakalagay sa T&Cs nila na bawal i-share ang residential plan) pero ang magiging problema mo diyan ay ang dadaanan niyang mga poste....100meters yan so kelangan mong ipadaan sa mga poste yan....
Kung private property ang poste, hindi mo pwedeng basta-basta isabit yang kable mo hanggat wala kang permission sa may ari, pwede ka nilang ireklamo or may right sila na putulin at alisin ang mga kable na nakasabit sa property nila kahit na walang pasabi kasi nga property naman nila yun. At siyempre, wala kang laban dito kung ikaw naman ang magreklamo dahil nga property nila yun.
Likewise, kung gov't property naman ang poste, hindi rin basta basta pwedeng magsabit ng mga kable diyan, may permit kang ise-secure dyan para makapagsabit ka ng kable mo.
At kung pag-aari naman ni Meralco, o kahit na sinong electric company sa area nyo, at ng mga ISP ang poste, I think bawal din. Kung pag-aari ni ISP, bawal kahit ipaalam mo sa kanila since para sa kanila lang ang mga poste nila. At kung kay electric company naman, I'm not sure kung may permit ka pang ise-secure dyan para mapayagan ka.
Kung magpapatayo ka naman ng sarili niyong poste sa bawat dadaanan, considering na 100meters yan, permit din dyan ang kelangan mong kunin sa barangay and/or provincial gov't.