What's new

Tutorial LTO - Experience, Proseso, at Gastos ko as a First Time Licensee (Walang fixer)

Such

Forum Veteran
Joined
Jul 1, 2017
Posts
770
Solutions
1
Reaction
5,308
Points
863
Tagal ko na nagda-drive ng motor, pero bago lang ako kumuha ng lisensya haha. Admit ko na pasaway ako, pero at least hindi ako dumaan sa fixer at natuto din ako sa daang tama. Natuto din ako paano mag-drive ng kotse sa driving school at nakapasa kahit first time ko nun mag drive ng 4 wheels.

Yung unang proseso ay kumuha ng Student-Driver's Permit (SP). Ang pagkuha nito ay medyo mahirap dahil kailangan mo mag-enroll sa isang LTO Accredited driving school dahil isa sa mga requirements ng SP ay ang Certificate of Completion pagkatapos mo ng Theoretical Driving Course (TDC). May seminars ka na pupuntahan at bawat session merong exam. Yung experience ko sa driving school ay 50 items every exam, at tatlo na exam (3 days/1 exam per session day) ang meron. Napaka strict din ng passing score, dapat 40/50. Sa medical naman, nag pa kilo lang ako at height, tapos nag eye exam lang sa harap ng computer. Halos ₱2,500 ang nagastos ko para sa TDC lang. May ₱350 sa Medical at may ₱250+ pa para sa Student-Driver's permit mismo. Pero ang presyo ng TDC ay depende sa driving school syempre.

Sa pagkuha ko naman ng Non-professional Driver's License, mas lumobo lalo ang gasto. Requirements na dito ang Certificate of Completion ng Practical Driving Course (PDC) galing sa LTO Accredited driving school ulit. Depende sa driving school at mga code na kukunin mo ang presyo. Yung akin ay A, B para sa Motor at 4 wheels. Separate ang code ng Motor at Kotse. Kung code B lang kunin mo, kotse/4 wheels lang pwede mo idrive, hindi ka pwede mag-drive ng motor dahil wala sa restriction code mo yun. Kaya dapat A, B = Code A and Code B ang kinuha ko para pwedeng motor at kotse ang idrive ko. Bakit ko ito inexplain? Dahil iba ang bayad per code sa Driving School. Depende din sa driving school kung may package sila at promo na dalawang code, pero dapat talaga i-indicate mo kung ano ang mga gusto mong i-drive na sasakyan ukol sa Restriction Code nito.

Madali lang dun sa PDC dahil turuan ka talaga ng driving instructor mo paano mag-drive. Hindi ito exam agad na pwede kang i-fail agad, dahil driving school ito syempre turoan ka muna paano. First time ko mag kotse pero within the same day pina-drive na ako ng instructor ko sa daan hahaha, parang mga 1 hour lang nga kami duon sa closed course nila, at yung remaining na time ay nasa daan talaga. Tinuruan ako ng instructor ko paano mag drive, park, at mga iba pang tips sa daan.

Nung natapos ko yung course, binigyan na ako ng certificate of completion para sa requirement ng Non-professional Driver's License. Nagpa-medical ako ulit dahil 1 month lang ang validity nung Medical Certificate. Sinabihan din ako ng driving school na mag-dala ng OR/CR ng kotse na dalhin ko sa LTO para mag Practical test ulit dun. Nung nandoon na ako sa LTO, nag Theoretical Exam ako sa computer, monitored yung exam dahil may webcam na nakatutok sayo at dun din sa likod mo may mga bantay din sa likod. Madali lang yung exam dahil mostly common sense lang talaga. Nag-review din ako kaya madali lang. Pagkatapos nun nag Practical na ako at di din pumasok yung examiner sa kotse ko. Tiningnan nya lang ako sa bukas na window (Natakot siguro baka maharurot ko, first time driver kasi hahaha). Pinasa nya ako agad kahit isang liko lang ginawa ko. Basta makita nya lang na nag seatbelt ka at marunong ka magpatakbo, ok na yan.

Tapos nun naghintay ako ng naghintay. Halos isang oras ako duon sa waiting area nila dahil ang dami ng tao. Bumayad ako sa cashier nung tinawag ako, at tinawag ulit ako sa Release window para kunan ng fingerprint at picture. Ayun, nakuha ko na agad lisensya ko. Mahigit ₱5000 ang binayad ko sa Driving School para sa code A (Motor) at B (4 wheels), package na yun sa Driving School na sinalihan ko. Sa LTO, ₱100 para sa Application Fee at ₱560+ para sa License mismo.


All-in-all ang expenses ko:
Driving School (TDC requirement) - ₱2,500
Medical - ₱350
Student-Driver's Permit - ₱250+
Total: ₱3,100~

Driving School (PDC requirement, Code A & B) - ₱5000
Medical - ₱350
Non-professional Driver's License - ₱650~
Total: ₱6000~

Overall Total: ₱9,100+



As you can see, sobrang mahal ng mga bayarin ko. Halos 10k sa tamang proseso, pero ang driving school ko talaga ang nagpamahal. Pwede ka makatipid sa driving school at mag aral ng libre sa LTO Driver's Education Center kung meron ito sa lugar nyo. Pwede din kayo mag-tingin sa TESDA - libre din dun.

Siguro makamura kayo sa fixer dahil may mga kilala silang mga LTO personnel para i-peke mga requirements, o baka peke lang talaga ang lisensya na ibigay sayo pagkatapos mo picturan. Baka makamura ako at gumasto nalang ng mga 3-4k sa fixer, ewan ko kung papaano nila ginagawa, pero wala akong pake. Basta ang proseso na sinunod ko ay yung tama at nakakabuti.

Sa pamamagitan ng TDC nalaman ko ang mga batas trapiko, sa PDC natuto di lang kung paano mag drive, pero paano din maging mabuti na driver sa daan.

Kaya if wala ka pang lisensya, mas mabuti ang tamang proseso. Ingat!
 
curious lang ako lods paano kung mag renew ka ng non ρrø kailangan paba ng driving certificate?
Sa renew yata lods, 3 requirements

1. (Free) Comprehensive Driver's Exam (CDE) of Land Transportation Office (LTO) using LTMS portal
Use the CDE Online Validation Exam for your driver's license renewal application.

The passing score to create a certificate
  • 50% or at least 13 correct answers out of 25 questions.
There is no time limit to answer the questions.

Print niyo lang yung certificate / score
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Review
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Info
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

2. (500 Pesos) Recent Medical Cert - dapat yung accredited/connected online sa LTO, kasi ina upload yung results
LTO medical certificate fee usually costs around Php 500
Accredited List
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Meron sa Maunawain Street, lampas lang konti ng Mormon Chapel, Accredited at Online sila sa LTO
1655214260859.png

1655214286885.png


3. (600++ Pesos) Renewal Fee nasa 600 to 800 banda. Dala na lang ng 2,000 para safe
 

Attachments

Alala ko nun kumuha ako lisensya na walang fixer eh sinadyang ibagsak ang written exam ko. Eh napakadali lang ng exam. So ayun, sabi ng kakilala ng tatay ko sa LTO need talaga magfixer lahat para makapasa. Pero mas mura ang gastos noon ha kahit may fixer. Ngayon almost 10k na :eek:

Nasa 4k lang ata nagastos ko noon wayback 2008
 
plan palang ako mag non ρrø got SP already
Good luck! Tingin-tingin ka lang kung sakaling may libre o murang PDC sa lugar nyo

Alala ko nun kumuha ako lisensya na walang fixer eh sinadyang ibagsak ang written exam ko. Eh napakadali lang ng exam. So ayun, sabi ng kakilala ng tatay ko sa LTO need talaga magfixer lahat para makapasa. Pero mas mura ang gastos noon ha kahit may fixer. Ngayon almost 10k na :eek:

Nasa 4k lang ata nagastos ko noon wayback 2008

Halos computerized na ang exams ngayon (thru LTO Portal) kaya malaman mo na din agad kung pasado ka o hindi, pero oo nga, may sabi-sabi na inuuna ang mga nagpa-fixer at dun din sa Practical Test talaga pahirapan para mapilit kang bigyan nalang ng pera yung examiner mo. Ganito talaga ang state ng LTO ngayon sadly, parang requirement na dapat may fixer o kakilala ka.

Ang average ng magasto ng mga new licensee kung dadaan sa tamang proseso ngayon ay nasa 6-8k rin, duon talaga sa Driving School pupunta ang pera mo ngayon, di katulad nuon na sa fixer lang:ROFLMAO:
 
Last edited:
paano po kaya kung additional restriction code nang 2?
need po ba talaga res.code 2,kung owner type jeep lang idadrive?
 
Ngayon nlng ata mga driving school na yan nag istrikto. Dati student permit lang kailangan at exam pagkukuha ng non-prof o prof(di na kasama requirements sa pagkuha ng student permit). Ang problema lang talaga ay yung haba at tagal ng pila sa lto pagpapawisan talaga singit mo kakaintay matawag lang numero mo. 😅
 
Ngayon nlng ata mga driving school na yan nag istrikto. Dati student permit lang kailangan at exam pagkukuha ng non-prof o prof(di na kasama requirements sa pagkuha ng student permit). Ang problema lang talaga ay yung haba at tagal ng pila sa lto pagpapawisan talaga singit mo kakaintay matawag lang numero mo. 😅
Mas OK na rin yan lods, bawas ng kamote drivers hahaha
Nasa 1.5k to 3k ang student permit, sila na pipila para sa inyo, kasama na TDC
Tapos nasa 4k to 6k to 8k naman Practical Driving Lesson, papuntang Non-Pro na yon
 
Tanong lang po...Need po ba may sarili kang sasakyan pag kukuha kana nang non-pro, kasi sabi nyo may practical exam pa dun mismo sa LTO office aside sa practical sa deivijg school? Wla kasi akung sasakyan but I'm planning to get License codes for both motorcycle and Automobile...
 
Tanong lang po...Need po ba may sarili kang sasakyan pag kukuha kana nang non-pro, kasi sabi nyo may practical exam pa dun mismo sa LTO office aside sa practical sa deivijg school? Wla kasi akung sasakyan but I'm planning to get License codes for both motorcycle and Automobile...
Pwede ka po sigurong humiram ng sasakyan sa driving school, o baka may mga renta silang mga sasakyan dun sa LTO branch na kuhaan mo.
 
Thanks po ditoo, kukuha kasi ako TDC, mahirap po ba yung exam? Or pano if bumagsak ka, magbabayad po ba ulit non?
 

Similar threads

Back
Top