Gusto ko lang kayo paalalahanan na mag-ingat at wag basta basta sumali sa mga networking na magbibigay daw ng pera kapag nakapag invite ka ng ibang tao. Scam ang mga ito kahit na legit na may pay out. Halimbawa 1k ang entry money na kailangan para makasali. Madalas may minimun amount to cash out, sa example na to sabihin na natin na 3500. Sa account mo may 1k ka kaso kailangan mo pa ng 2500 para makapag cash out. Para kumita kailangan mo magrecruit ng tao. Sabihin na natin na 100 kada isa ang kikitain mo per invite. Need mo ng 25 pa na katao para kumita ka at mabawi yung 1k mo. Bawat isa sa 25 na kailangan mo maglalabas din ng 1k for initial. Nakapagpasok ka ng 26k sa network kasama yung 1k mo tapos 3500 lang nakuha mo. Yung remaining 22500 ay paghahati-hatian yan ng mga nasa itaas mo, yung nagrecruit sayo at yung recruiter nya and so on. Ang yumayaman lang dito ay ang mga nagpasimuno at kawawa kayong mga sasali pa lang kasi mauubusan kayo ng tao na maiinvite. Walang EZ money kaya mahalin niyo pera niyo. Thanks sa pagbasa sana namulat kayo para maubos na mga scammer sa Pinas.
PS. Hindi po ako na-scam, naaawa lang talaga ako sa mga nauuto.
PS. Hindi po ako na-scam, naaawa lang talaga ako sa mga nauuto.
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.