Hello mga ka phc. Mali ba ako? Na hindi ko kinakausap yung gf ko at hinahayaan ko siya ngayon/yun bang parang walang pake? Kaya ako ganito dahil pag nag away kami minumura ako. Nito lang nag away kami at minura-mura ako. And hindi naman mabigat pinag aawayan namin. Hndi naman sa OA ako porket minura ako eh ganito na ako. Yung point lang eh, parehas kaming Christian and yung gf ko family niya ay isa sa mga leader ng church namin. Nag usap kami dati na once na murahin niya ako pag nag away kami, di ko sia kakausapin at mawawalan muna ako ng pakialam sa kanya. Sa mga pagkakataon na nag aaway kami at di nia ako minumura, magpaparamdam parin ako sa kanya like magchachat or susunduin sia. Pero ngayong minura nia na naman ako ay parang tinurn off ko muna magkaroon na pakialam sa kanya. Yung point ko lang naman ay gusto ko ng respeto. Dahil ninuman di ako minumura, sia lang ang nakakapag mura sa akin.
Ako ba dapat lumapit sa kanya at suyuin siya? ako ba dapat magsorry? Pero kapag ganun, hndi ba lalaki ang ulo niya or mafefeel niya na kahit siya may mali, eh ako parin ang lalapit?
Ako ba dapat lumapit sa kanya at suyuin siya? ako ba dapat magsorry? Pero kapag ganun, hndi ba lalaki ang ulo niya or mafefeel niya na kahit siya may mali, eh ako parin ang lalapit?
Last edited: