What's new

Malungkot sa Canada (Rant)

tamtam_661

Honorary Poster
Established
Joined
Nov 4, 2016
Posts
265
Reaction
103
Points
155
2 years na ako (27M) dito sa Canada pero mas gusto ko na lang bumalik sa Pilipinas.

Parang magtutunog privileged itong post ko pero please bear with me.

Okay naman yung buhay ko nung nasa Pinas ako. Project manager ako sa company (outsourced kaya $$$ ang kitaan plus may benefits), may sariling apartment, may kotse, nakakakain sa Wolfgang's paminsan-minsan, at higit sa lahat kasama ko asawa ko at malapit ako sa mga mahal sa buhay.

Napilitan akong mag-Canada sa kaka-udyok ng parents at ibang relatives ko. Binuhos ko ang savings ko para makapuntang Canada bilang international student at alam kong madaming kapwa Pilipino ang nagnanais makarating din dito.

Pero *******...

Malapit lang sa minimum wage ang kinikita ko as an office assistant. Nakikitira ako sa mga kamag-anak. Nagco-commute ako. Di ako nakakakain sa labas kasi mas pinipili ko na lang tipirin at ipadala sa Pilipinas (nag-start kami ng asawa ko ng negosyo. Desperado akong magka-footing sa Pinas). Hindi ko rin naisama ang asawa ko kasi kakapakasal lang namin last year (Pinilit kong umuwi para magpakasal).

Parang ayoko ring dalhin ang asawa ko dito kasi 6-digit earner na siya sa Pinas at parang hindi ko tanggap na mag-uumpisa siya ulit at malaki ang chance na magtratrabaho siya sa retail o fastfood. Ang point ko dito is ayoko na siyang mag-adjust ulit kasi maginhawa na yung buhay niya sa Pinas.

Ang pumipigil sa akin sa pag-uwi ay yung mga magulang ko pa rin na nag-invest na ng malaking pera sa akin, para sa iniisip nilang "Canadian Dream" na nung nandito na ako na-realize kong basura pala. Hindi ko rin sila ma-convince na hindi greener pastures ang Canada based sa experience ko. Gusto nilang dalhin ko sila dito in the future pag retired na sila. Hindi nila ma-imagine yung hirap ng malayo sa nakasanayang komportableng buhay.

Napakalungkot ng mga araw ko dito. Di ko rin halos nakakasama yung relatives ko kasi puro sila double job. Sinusumpa ko ang snow at ang lamig.

Healthcare daw ang maganda dito pero bawat galaw mo nagbabayad ka ng kalaki-laking tax. Best daw ang Canada para sa mga anak pero wala kaming balak mag-asawa na magluwal ng tao sa ekonomiya at gobyernong ganito (Pilipinas man o Canada).

Nagmumuni-muni akong umuwi na lang, tumira sa isang maliit na apartment sa may bayan kasama ang asawa ko, bumalik sa dati kong trabaho, mag-manage ng maliit na negosyo, at mamuhay nang tahimik.

Kung pwede lang i-swap ko yung buhay ko ngayon sa ibang may gustong mag-Canada, ginawa ko na.

Sigurado akong may mas deserving pa sa akin na mamuhay dito.
 
sapat naba ipon mo para magnegosyo? kung oo uwi kana dun ka sa makakapagpasaya sayo.. mag business kanalang dito sa pinas kasama mo pa wife mo,
 
yan ang madalas na isip ng karamihan dito sa pinas, pag nasa abroad ka, maganda ang buhay. hindi nila alam na napaka swerte nilang nasa pinas sila at hindi ka pwersahang mag double job dito para mabuhay. naliliitan sila sa sweldo dito pero sige starbucks lols hindi nag iipon para makapag start ng negosyo. sa abroad malaki ang sweldo kung hindi mo doon gagastusin at converted sa peso pero kung doon mo lang din gagastusin tulad halimbawa sa europe, yung 200k peso na sweldo mo, hindi pa sasapat yan para masustentuhan mo sarili mo doon. need mo pa ding mag double job para lang sumapat yung kita mo. sa abroad 4 hours lang tulog mo araw araw, the rest ng oras mo puro trabaho. sa pinas, 8 hours lang trabaho mga reklamador pa hahaha.
 
hindi natin sila masisisi kung ganun kataas ang pangarap nila.. meron kase talagang kulang n kulang ang sinasahod dito..
 
hindi natin sila masisisi kung ganun kataas ang pangarap nila.. meron kase talagang kulang n kulang ang sinasahod dito..
hindi kulang ang sahod dito brader. ang kulang sa mga reklamador dito is diskarte. maraming pinoy dito ang kumikita ng napakalaki regardless kung maganda ang tinapos sa college. marami akong kilalang ganyan, kumikita ng 6 digit. example na lang is yung uncle ng bestfriend ko, ni hindi naka tungtong ng highschool pero nagawa nyang makapag tayo ng sarili nyang company na installer ng gas pipeline.
 
sapat naba ipon mo para magnegosyo? kung oo uwi kana dun ka sa makakapagpasaya sayo.. mag business kanalang dito sa pinas kasama mo pa wife mo,

Bale nag-start na kami ng negosyo ng asawa ko a few months ago. Ginamit naming capital yung mga cash gift samin nung kasal. Homemade longanisa - binebenta na sa bayan. Hinahanapan pa namin ng diskarte na makapag-supply sa ibang bayan (Taga-Pangasinan kami). Tsaka nagstart kami ng printing shop sa baryo nila na may kasamang government appointment assistance.

Maliit pa lang kinikita, malayong malayo sa 6 digits haha pero at least may naumpisahan na.

yan ang madalas na isip ng karamihan dito sa pinas, pag nasa abroad ka, maganda ang buhay. hindi nila alam na napaka swerte nilang nasa pinas sila at hindi ka pwersahang mag double job dito para mabuhay. naliliitan sila sa sweldo dito pero sige starbucks lols hindi nag iipon para makapag start ng negosyo. sa abroad malaki ang sweldo kung hindi mo doon gagastusin at converted sa peso pero kung doon mo lang din gagastusin tulad halimbawa sa europe, yung 200k peso na sweldo mo, hindi pa sasapat yan para masustentuhan mo sarili mo doon. need mo pa ding mag double job para lang sumapat yung kita mo. sa abroad 4 hours lang tulog mo araw araw, the rest ng oras mo puro trabaho. sa pinas, 8 hours lang trabaho mga reklamador pa hahaha.

Tama ka dyan. Mukha lang mataas sahod kung kino-convert sa peso pero hindi talaga kung icoconsider ang cost of living. Sa Pilipinas yung mga tambay nga nabubuhay. Dito nagsisimatay sila sa gilid ng kalsada.

hindi kulang ang sahod dito brader. ang kulang sa mga reklamador dito is diskarte. maraming pinoy dito ang kumikita ng napakalaki regardless kung maganda ang tinapos sa college. marami akong kilalang ganyan, kumikita ng 6 digit. example na lang is yung uncle ng bestfriend ko, ni hindi naka tungtong ng highschool pero nagawa nyang makapag tayo ng sarili nyang company na installer ng gas pipeline.

I agree. Ang way talaga para mapabilis ang 6-digits mo sa Pinas is either mag-negosyo, kumuha ng direct client overseas (outsourcing), or both.

Pero di ko sinasabing 6-digits per month lagi ang goal... Masaya nako basta walang utang, kahit nagrerenta, tsaka may magandang health insurance.
 
Last edited:
For me lodi nagasawa ka sana hindi ka nagpabuyo sa parents mo hindi ko sinasabing wag mo silang pansinin pero bro malaki kana at nagasawa na kung ano sa palagay mong tama yun ang gawin mo hindi dahil sa sabi at gusto ng magulang mo. Btw gawin mo kung ano sa palagay mong tama para sayo at asawa mo.
 
may sariling apartment, may kotse, nakakakain sa Wolfgang's paminsan-minsan, at higit sa lahat kasama ko asawa ko at malapit ako sa mga mahal sa buhay.

- Ito yung true happiness, ang importante nakaka survive ka pero nasa comfort zone ka pa. Hahahaha

Gusto nilang dalhin ko sila dito in the future pag retired na sila

- dream ng parents mo ang ginagawa mo, hindi para sa sarili mo.

Me, satisfied na ko dito sa pinas! im living in a condo makati,
my side na pang mayaman,
- malls
my side na pang mahirap,
- tusok tusok ihaw pares

minsan kung ano pa simple un tlga yung mas masaya ako.
Do what makes you happy.
At the end of the day, ikaw pa rin mag desisyon, Buhay mo yan sympre.
 
pota hirap yumaman kahit saan
Yeah..eto lang masasabi ko sayo sir.. parang hindi na healthy ung mental health mo, kaya kung hindi kana masaya kung hindi mo na talaga kaya, leave. . Umuwi ka, sulitin mo ang mga oras na kasama mo mahal mo sa buhay kasi hindi natin alam mang yayari satin in the next hr/days/months/years. . Magpaka totoo ka sa parents mo, for sure maiintindihan ka naman nila. maging totoo ka lang sa sarili mo sir. . Magiging maayos dn ang lahat.. icompare mo nalang sarili ko sken para maisip mo na kahit papaano maswerte ka parin. :)
 
Atat pa naman tito ko pumunta ng canada lol. i'd rather be in eu or us.
Baka pwede mo pang pigilan hahahaha Madaming nagsasabi it would have been nice at least 10 years ago pero after pandemic sobrang mahirap. Alam ko namang buong mundo may nararamdamang economic crisis pero mas ramdam mo kung galing kang Pilipinas tas ipipilit mong makipagsapalaran sa 1st world country. Mas kaya kung multi-millionaire ka na hahaha
 
matanda narin yun paps eh kaya na n'ya sarili n'ya hahahha. tama ka paps mas mahirap na nga daw jan ngayon kumpara noon kita ko nga sa news at vlogs sa yt
 
Similar threads

Back
Top