Nagdate na kami twice netong manliligaw ko na 4 years older than me tas yung first date maayos naman. Kaso napansin ko nung nasa loob kami ng cinema muntik na ako mahulog sa hagdan pero di niya ako tinulungan. Mababaw lang naman yun pero napakabasic lang naman yun na dapat gawin kahit hindi pa kami mag-on. Nillaid out niya rin sakin mga plans niya sa future date namin ng hindi ako tinatanong. Sabi niya ppuntahan KO siya sa bahay nila which is 3hrs away from me tapos hindi niya raw ako ihhatid kahit halfway kasi itturo niya naman raw. Sa online lang kami nagkakilala ah pero after the date nag iilove you na siya agad. Gusto niya raw ng "ligaw" stage muna pero parang yung panliligaw niya ay hinihintay niya lang na umoo ako pero hindi siya nag "ppursue". Nag date uli kami then mas marami akong nakitang red flags niya na ang basic pero hindi niya narreach. Nangalay ako sa date namin kasi gusto niya maglakad sa Manila kahit tanghaling tapat LOL. Sinabi ko naman sa kanya na ayaw ko pero he insisted, hindi naman ako maarte kaya pumayag na ako maglakad. (Nilakad namin siguro mga 3km tas pabalik pa) Tas sabi ko gusto ko muna magpahinga and pagod na pagod na talaga yung paa ko. Then nag suggest siya na mag SOGO raw kami??? Nung first time namin mag chat nilinaw niya sa akin na gusto niya iwasan yung *** sa dating and sa sunod na raw yun. Pero siya lagi nag lalapag ng sexual hints and ilang beses na nagsuggest ng SOGO. Feel ko *** lang habol neto sakin eh. Sinabi ko sa kanya na mag slow down muna kami tapos ang sabi niya "if gusto mo mag backout, gawin mo na habang mas maaga pa dahil mas kawawa ako". Natatakot siya masaktan eh diba nga nanliligaw siya?? Ako ba yung mali or red flag talaga siya?