Mechanical engineer

ok sana yan dati sir magpapa subcon hahaha pakyawan kada floor latag ng firepro staka plumbing kaso wala na ako sa construction
 
Ts Kung Gamay mo naman Ang math at mga analytic go for engineering.... mechanical engineering Ang alam kong mas patok sa ngayon compared sa mga civil,elec. O comp eng. Pero kung mas ok sayo ibang field halimbawa computer pwede ka it o comp.sci....... pagisipan mo mabuti ts Kung ano talaga. Piliin mo Kung saan ka magaling o intresado.
 
Kung mag-eengineering ka ang maadivice ko sayo is ifamilarize mo ang sarili mo sa mga design and estimating softwares pati na rin ang principles at codes na kalakip nito para may edge ka pagkagraduate at pagkapasa ng board kasi pagdating naman sa supervision kahit hindi board passer is kaya yun basta marunong syang bumasa at umintindi ng instruction lalo na kung marunong pa makisama.

Tsaka dagdagan mo lang sipag at tyiga kasi halos lahat ng resources available na thru internet.

At kung sa tingin mo mahihirapan ka lalo kung math ang usapan, madadaan naman yan sa practice, kumbaga paulit ulit lang hanggang sa makasanayan mo...
Sabi nga ng prof namin nun " kung ikaw di pumasa pero yung kasamahan mo pumasa pero parehas naman kayo ng nireview at oras na nilaan.. try mo dagdagan oras ng review mo malay natin pumasa kumbaga dagdag effort pa"

At tsaka iwasan mong maging madamot kung maitutulong ka sa kasama/kaklasr mo subukan mo makatulong malay mo baka isang araw meron sila nong wala ka at matulungan ka din nila, parehas din kayo na pumasa. Basta wag lang pagdating ng exams(no cheating) kasi yun na yung time para maevaluate yung natutunan mo para masabi mong "ah alam ko to".
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top