Sa mga napapansin ko, kahit saang department ng engineering, yung mga tamad mag aral ang laging may reklamo na mahirap daw. Kahit anong mangyari, wag mong sasabihin sa sarili mo na mahirap ang engineering kasi madali lang kung magsisipag ka at sa nakikita ko, masipag kang bata. Malayo ang mararating mo. Kung gusto talaga maging engineer, piliin mo yung first choice mo kasi pwede ka pa namang mag shift sa ibang department kung marealize mo na di mo pala gusto ang ece.
Aralin mo ngayon ang algebra at trigonometry kasi foundation ng mga mas mataas na math yan. Para mataas ang kumpyansa mo sa sarili pag dating mo sa college. Dyan umiiyak yung mga hindi napractice sa high school ang math. Pero marerealize mo sa higher year na hindi talaga yan mahirap. Pagdating mo sa higher year, masasanay ka na.
Mag aral ka ding mag time management. Sobrang bilis ng oras sa college. Kapapasok mo pa lang, next week exam na. Exaggerated, pero ganun talaga ang feeling.
Time management talaga. Kung hindi ka marunong, mawawalan ka ng tulog, babagsak ka sa quiz, iiyak ka na lang kasi di na tinanggap ng prof yung project mo etc.