What's new

Closed "motivation"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
03b041182a377455b602954cbe75e87b--quotes-motivational-deep-gymna.jpg
3f26696a4f57e8aa7229074739accb81--positive-things-positive-outlo.jpg

a120886f806a1f8184faab39455adef4--cute-motivational-quotes-every.jpg








"MOTIVATION"


PAGSUKO? yan yung pinakamasaklap na pangyayaring aking naranasan
Ang sumuko sa lahat nang naging aking pinagdadaanang hirap
Maling-mali dahil maling sumuko na lamang at magpakahirap
Mahirap ako nung ako'y nakamulat sa mundo, tapos hahayaan ko
Na mahirapan pa ako sa pagpapahirap ng problema't sumuko

Hindi ba't parang hindi mo na kayang lumaban pa?
Yung tipong hirap na hirap ka na sa paghinga
Bawat segundo pabigat nang pabigat bawat hakbang
Paghantong sa minuto lalo pang pinabibigat
Ng mga Hapdi at pait na natatanggap, diba ang saklap?

Na alam mo sa sarili mong palaban ka pero sa pisikal na bagay
Hindi mo kayang ipaglaban, napagod ka't gustong mamahinga
Napagod ka sa pagbubuhat ng mga bagay na napakabigat
Pero hindi ba sumagi sa isipan mo ang mga bagay na
Dapat di ka basta-basta nasuko? susuko ka na ba?

Kaibigan, isipin mo, napakaraming oras at panahon
Mga bagay na sana natapos na ngayon at pagkakataon
Mga oras mong sinayang simula pa nung una mong sinimulan
Hindi ba't nagsimula ka na? bakit mo pa titigilan?
Ganun ka nalamang? hanggang dun ka nalang? wag naman!

Pag-isipan mong mabuti? hindi ba't sinabi mo sa isip mo
"simula ngayon, uumpisahan ko na ito"??? hindi ba't nasabi mo yan?!
Mali ba ang pagkakaintindi ko sayo na ikaw ang gagawa ng kapalaran mo?
Nagkamali ba ako sa pagkakilanlan sayo bilang isang matibay
At matatag na pundasyon? wag kang sumuko, bumangon ka!

Hindi pa tapos ang laban at kabanata ng iyong buhay
Napakaraming umaasa sayo't aasa pa na ikaw, ikaw ang
Magdadala ng pag-asang muling patunayang di pagsuko ang sagot
Sa lahat ng mga katanungang naghahanap nag sagot, napakarami
Napakaraming pagkakataon hindi pagsuko ang sagot

Dahil di ka nakatayo ngayon at nakaabot
Sa kung saan ka nakatayo ngayon at nakabangon
Maling mali kaibigan. napakamaling isuko mo lahat
Kailan mo uumpisahang ipagpatuloy ang labang nasimulan?
Bukas? makalawa? o ngayon? Naghihintay ako KAIBIGAN.



Spoiler contents are visible only to Established Members.


MABAGSIK NA LIKHA NI:
Mad`ThePoetMotivator
 

Attachments

Last edited:
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 186
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
madpro

Online statistics

Members online
1,251
Guests online
2,917
Total visitors
4,168
Back
Top