What's new

Help [Motorcycle Issue] Pinalitan na pyesa sino ang mas may karapatan? Yung may-air ng motor o yung nakasira ng motor?Help

P O P O Y

Eternal Poster
Established
Magandang Umaga po!

Sino po ba ang may mas karapatan sa piyesang napalitan?

Ganito po kase yun, nung Nov. 24 ng gabi pinagkatiwala ko sa Classmate/Kakilala na mekaniko ng motor gusto ko ipaayos kase may naririnig ako sa makina na di maganda. Sabi niya kung okay lang saken bigay ko sakanya yung motor for 3 days para ayusin. Okay lang saken kase nasubukan ko naman pina stay over dati yung motor ko sakanya wala naman naging aberya. so November 25 naayos niya na yung problema gusto niya raw palitan ko yung belt ng stock pinalitan ko kase dati sabi ko sa nov 27 ko ibibigay. Tapos nov. 26 ng madaling araw nag message siya saken na aksidente raw siya nag SOLO wasak yung motor mo sa harapan. Wala siya(driver ) masyadong gasgas kahit mabilis siya nasa umabot 140+, sharp curvesa daan at nagmenor ng 120+ pero nag wiggle yung manubela kaya overshoot kinalabasan. Tumama sa barricade,sa gilid yung motor tapos siya tumilapon sa kabukiran sa may mga halaman. Buti hindi sa semento sigurado deads siya parang gasgas lang sa bike natamo niya. So yung sa motor sinabi naman niya na papalitan lahat which is okay ako dun.

Sa paguusap namin tungkol sa motor, yung pambili ng pyesa na nasira ako muna magshoushoulder kase hirap siya di siya tinutulungan ng parents niya siya lang. so pera muna namin ng parents ko ginamit ko saka niya babayaran sakin monthly almost 50k yung na gastos lahat palit chassis tpost headlights mags pipe fairings kumbaga para ka nang bumili ng bago except sa makina.

Kaya napaisip ako yung mga damaged parts na pinalitan ng bago mas karapatan ko bang akuhin o sakanya dapat yun?

Sana po may makasagot na may same experience po salamat🫶🏼
 
kung sino nakasira siya magpaggawa.
kaya dinako nagpapahiram ng motor ko dahil sa mga ganitonh scenario. di baleng sumama loob nila, wag lang sumama loob ko at masira pa motor ko.
 
TS, sa kanya yung mga pinalitang damaged parts, pinalitan na niya ng bago yung mga nasira kaya siya ang may disposisyon kung ano ang gagawin doon sa mga pinagpalitan. Kung baga, nag-tradein kayo, bagong parts niya against sa na-damaged na parts.
 
sobrang bait mo naman. baka umabot ka sa langit hahaha. de joke. syempre kung sino nakasira, sya mag babayad. saka gasgas na yang monthly babayaran nako mahirap yan. saka in the first place pinahiram mo na nga sa kaibigan mo, dapat iningatan nya na. grabe 120+ speed tapos curve pa. Lumaban ba ng DRAG race yan? . 80kph nga lang mamumutla na ako sa bilis e. RS nalang po palage.
 

Similar threads

Back
Top